What's Hot

Parating na ang umaga

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 4, 2020 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ang "Saan Darating ang Umaga" ang kauna-unahang afternoon drama na umabot sa 28.1 percent ang rating. Ano nga ba ang mga nangyari sa buong kuwento, at saan ito
Minahal ng marami ang soap na "Saan Darating ang Umaga," ang kauna-unahang afternoon drama na tumala ng 28.1 percent sa ratings. Ibang level na, ika nga. Kaya naman sa huling linggo ng programa, balikan natin ang mga nangyari—at subukan nating alamin kung saan nga ba darating ang umaga. Text by Erick Mataverde and Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "First, I would like to thank GMA for choosing me to do the television version," sabi noon ng batikang director na si Maryo J. delos Reyes during the press conference ng Saan Darating ang Umaga. "Nabigyan ako ng pagkakataon to show how it could be [done] on television. Ang pagkakaiba is that basically na-extend ang istorya, [mas] nakita natin siguro 'yung mga background ng characters dito sa television version." stars
And since nasa nakaraan na rin lang tayo, let's look back sa mga pangyayari sa buhay ng mga Rodrigo: Sa gitna ng kaso sa korte, ang tunay na ina ni Joel na si Mylene at ang kanyang adoptive mother na si Lorie ay naiipit sa isang custody battle kung sino ang puedeng kumupkop sa kanya. This gives Agatha—who learned that she shares half of her deceased husband Dindo's wealth—an idea on how to claim her husband’s fortune wholly for her own. Raul, with his relationship with Shayne in doubt, decides to do the right thing and be responsible by proposing to Patricia and take care of the child that she is expecting from him. Pero, nalaman na lang ni Raul na umuwi na sa probinsya si Patricia para umiwas sa gulo na puedeng mangyari because of her pregnancy. When Olive, Lorie’s mother, learns that Mylene’s mother is her old friend, Celia, aawayin nito si Celia. Malalaman din ni Olive na si Mylene ay ang kanyang long-lost daughter, si Marilen. Olive then tries to convince Mylene to drop the custody case against Lorie, to no avail. Meanwhile, si Agatha naman sinubukan din patayin si Joel sa kumbento kung saan siya temporarily nakatira habang nililitis pa ang kaso. Hinahanap din niya si Thelma, ang dati niyang katulong na nakakita sa kanyang pagpatay kay Dindo. Sinuwerte lang sila Joel at Thelma na hindi nagwagi ang mga plano ni Agatha. Lorie and Shyane then learn from Thelma that Agatha pushed Dindo to his death, so they immediately contact the police. Si Agatha naman ay nag-desisyon na lumisan and at the same time nag-hire ng goons to kidnap Joel, and this time her plan suceeds. Si Raul naman ay nagta-try mapalapit kay Shayne dahil dito. We also find Agatha attempting to stake Joel’s life in exchange for her wealth, habang si Lorie and Mylene ay nagsubok na magkabati para sa kaligtasan ni Joel. Habang painit nang painit ang mga pangyayari sa pamilya Rodrigo, ating tuklasan in the remaining days kung ano ang mga susunod na kaganapan. stars
"Noong sinabi sa akin na partner ako ni Yasmien [Kurdi] sa Saan Darating ang Umaga, tuwang-tuwa ako kasi hindi na ako bad boy ngayon. Good boy na ang gagampanan ko, para maiba naman," inamin ni Dion Ignacio noon. At kahit na magkaibigan at magka-batch sa StarStruck ang dalawa, this is the first time na magkakapareha sila sa isang soap. Dagdag ni Dion nang pabiro, "Kung noon napipikon sa akin 'yan at napapaiyak ko, ngayon hindi na. Malaki na ang improvement ni Yas sa sarili nya. Mas lalo syang gumanda at magaling pang umarte." At kitang-kita naman sa naging chemistry ng dalawa sa soap, hindi ba? Yasmien reveals na StarStruck pa lang, close na talaga sila ni Dion kaya hindi na sila nahirapan sa chemistry: "Siya 'yung naghaharana at nag gigitara sa akin dati. Sobrang komportable na ako sa kanya. Tapos siya pa 'yung first on-screen kiss ko, parang lahat ng pagka-kumportable nasa kanya na." Pero magiging kumportable pa ba ang characters nila sa isa't-isa? Especially after everything that has happened between Shane and Raul? While Yasmien and Dion remain close friends in real life, kakayanin pa ba ng mga characters nila na magiging magkaibigan at all? May happy ending bang naghihintay para sa kanila sa pagtatapos ng Saan Darating ang Umaga? Malalaman niyo na this Friday, sa finale episode ng highest-rating Sine Novela! Or you can always try to pry the truth from Yasmien and Dion through their Fanatxt service! Just text YASMIEN or DION to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Tapos, next week, you can personally congratulate the two on a very successful soap when they log on sa iGMA Live Chat! That's on March 5, 2009 from 2 p.m. to 4 p.m. So kung hindi ka pa registered, register na!