
Aminado si Comedy Queen Aiai Delas Alas na nilamon na rin siya ng K-Drama.
Sa pocket presscon ng kanyang pelikulang And Ai, Thank You kamakailan, ipinaliwanag ng The Clash judge kung bakit siya na-hook sa Korean series.
Sabi ni Aiai, "Maganda 'yung pagkakalapat ng story nila, magaling silang magkuwento 'tsaka nakakakilig 'yung kanta, 'yung treament.
"Mahilig sila sa slow mo, 'yung inuulit-ulit, 'tapos hinihila-hila.
"Usually, same 'yung treament ng lahat ng K-Drama pero nakakakilig pa rin."
Sabi pa niya, "Tinitingnan ko kung sino 'yung editor ng Korean series kahit hindi ko naiintidihan ['yung pangalan] kasi ang galing nila.
"Ang galing nila gumawa ng soap."
Ibinahagi rin ni Ai Ai ang ilan sa kanyang favorite Korean drama series.
Ika niya, "Ang dami ko nang napanood and ilan sa mga nagustuhan ko 'yung What's Wrong with Secretary Kim?, Legend of the Blue Sea, at The Last Empress."
Sa Instagram, ipinahayag ni Ai Ai ang kanyang excitement na makita in person ang kanyang iniidolong Korean actor na si Lee Seung Gi, na bida sa hit Korean action series na Vagabond.
Magkakaroon ng fan meeting event si Seung Gi sa October 12 sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City.
Sulat ni Ai Ai sa caption, "Looking forward to see you in person. An amazing actor [who has] an amazing series VAGABOND. Must watch. See you soon (feeling close haha) @leeseunggi.official."
Aiai Delas Alas and daughter Sophia brave rains for Park Seo Joon fan meet tickets
IN PHOTOS: Pinoy celebrities na K-Pop at K-Drama fans