
Nakarating na kay Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards ang tungkol sa kanyang pagkapanalo bilang "Sexiest Man in the Philippines" para sa taong 2019.
Umani si Alden ng 56.9% na mga boto sa taunang "Sexiest Man" poll ng entertainment blog na Starmometer.
Last year, si Alden din ang nanaig sa naturang poll.
Ipinahatid niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang Twitter account.
Maraming salamat po sa inyong lahat na bumoto! 🙏🏻 https://t.co/SGc4b0A8kM
-- Alden Richards (@aldenrichards02) September 26, 2019
Bukod kay Alden, pasok din ang Kapuso actors na sina Dingdong Dantes at Derek Ramsay sa top 10.
Samantala, nananatiling busy si Alden sa kanyang GMA Telebabad series na The Gift. Tutukan siya dito bilang si Sep, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice.
Alden Richards, napiling 'Sexiest Man in the Philippines' ng isang entertainment blog
WATCH: Alden Richards, mapagbiro at full of energy sa kanyang fans at mga katrabaho