What's Hot

Eula Valdez, excited na sa 'All About Eve'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2020 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



What does she reveal about her character in the Pinoy remake? At anong pakiramdam niya about reuniting with her onscreen rival Jean Garcia?
Isang linggo na lang at mapapanood nang muli sina Eula Valdez at Jean Garcia together sa isang heavy drama soap. And here at iGMA, excited na kami at mukhang pati ang talented actress ay excited na rin! Find out what she reveals about her character, and how it feels to reunite with her onscreen rival Jean Garcia! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Nang makausap ng iGMA si Eula Valdez during the pictorial of All About Eve, hindi niya maitago ang kanyang excitement niya to be working with Jean Garcia ulit. Kasi naman, the day before, nag-film na silang dalawa ng eksena! "Yesterday nag-taping kami; magaan." Eula shares na dahil friends naman talaga sila ni Jean, wala nang hiyaan or anything of the sort. "Kasi kabisado na namin 'yung isa't-isa. stars
"Like kahapon, may crying scene kami, bago mag-take kailangan umiiyak na kami… Ang ginawa ko, yinakap ko siya from behind, and then tuluy-tuloy na 'yung iyak namin. Sabi na lang namin, 'Take!'" Eula laughs, before continuing. "Mas mabilis kasi magtitinginan lang kami… Kahit nagre-rehearse pa lang, nagtitinginan pa lang kami, nararamdaman na namin 'yung isa't-isa so kabisado na namin. Hopefully, hanggang matapos [yung show] ganoon 'yung pakiramdam namin." Pero bakit may iyakan? Ano ba ang roles na gagampanan nina Eula at Jean? "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ngayon, kasi parang ayaw ko siyang i-divulge." Eula is one tough cookie when it comes to spoilers. Ayaw raw niya kasing ma-preempt ang mga magaganap sa story even before it airs. But which much prodding, she leaves us with this teaser: "Basta friends kami ni Jean -- ako si Alma, siya si Katrina. Medyo may pagka-scheming ako. Hindi ko alam kung paano ko ide-describe. Basta isa lang 'yung lalaki na mahal namin. Nangibabaw lang 'yung love kaya ako naging scheming, ganyan. Nasira 'yung friendship namin." And that's all we could get from her. Talaga namang naka-excite to find out kung paano maco-complicate ang friendship nina Jean and Eula. At si Richard Gomez na ba ang tinutukoy ni Eula na pag-aagawan nilang lalaki? Or will there be someone else? At anong mga roles ang gagampanan nilang dalawa sa buhay ng character ni Goma? Sa mga narinig namin, neither Eula nor Jean will be the first woman sa buhay ng character ni Goma na si Frederico. That's something na talaga namang kaabang-abang for the pilot week of All About Eve! Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal But there's one other place where you can catch Eula right now -- sa Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal. Kwento ni Eula nung pictorial, kailangan nga raw niyang umalis by 12 noon dahil may rehearsals pa siya. "Nag-add kasi sila ng shows dahil, I heard, na sold out na." Nalolokang dugtong ni Eula, "muntik na akong mawalan ng boses!" When? "Nung opening naming kasi nagte-taping ako, as in every day, simula nung bagong taon. Every day taping, and then rehearsal. Hindi rin kasi puwedeng hindi ako mag-rehearse kasi may mga bagong [material and cast members] so kailangan namin mag-rehearse with the new cast. Nakakapagod…Nung opening, malat na ako. Sinabi ko nga sa sarili ko na never ko nang gagawin 'yung nagte-taping tapos may play." stars
She continues, na nagkaroon na nga ng instance when the staff of All About Eve, dahil nga naghahabol ng taping for the March 9 premiere, approached her kung puwede siyang magbigay ng isang Saturday off niya para mag-tape. "Sabi ko talaga, 'I'm sorry, hindi po talaga puwede.' Dahil ayaw kong makompromiso ['yung musical] dahil live yun e -- live singing, everything and hanggang March kami!" And from a previous article, nabanggit na rin ni Eula na wala siyang alternate sa run na ito. "So parang, sacrifice muna." No hard feelings naman daw between her and the staff. "Naipaalam ko na naman 'to, nung LaLola pa e. Sabi naman ng [Executive Producer] namin, si Miss Edlyn [Tallada], na gagawan niya ng paraan. And naiintindihan [naman] nila." Buti na nga lang din daw at may Holy Week break na paparating, dahil hindi pa siya nakakapagpahinga ng mabuti. "Literally sa kotse ako natutulog. At saka pagdating sa bahay, para katabi ko lang 'yung anak ko. 'Yun na lang. Nasa verge na ng losing my voice, so hindi talaga ako nagsasalita. Pagdating sa bahay, 'yung anak ko, siyempre doon lang niya ako makikita, chumichika. Hindi ko naman masabi na, [hindi ako pinagsasalita ng doctor], dahil siyempre bonding time yun 'di ba? Tiis-tiis, ganyan-ganyan. Tapos sinasabi ko na lang, 'Anak, may pasok ka pa. Tulog ka na.' Ganoon na lang. Ang hirap pala!" Kaya naman sa experience na 'to, Eula says she has learned her lesson. Dahil sa pagiging perfectionist niya, na lagi niyang binibigay ang 100% niya sa lahat ng projects niya, ayaw na niyang pagsabayin ang play at TV series ulit. "Hindi ko na gagawin ulit yun! As in 'pag may play, play [lang]! Okay lang naman na mag-taping [while doing a play], pero hindi 'yung naghahabol [ng taping]. First and last time ko na gagawin 'to na ganyan." All About Eve premieres Monday next week, March 9, on GMA Telebabad, pagkatapos ng Carlo J. Caparas's Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.