Article Inside Page
Showbiz News
First time umarte ni Jace Flores sa show na “Luna Mystika” and now that the show is about to end, hindi niya maiwasan na malungkot at ma-miss ang
Anong mami-miss ni Jace Flores sa ‘Luna Mystika?’
First time umarte ni Jace Flores sa show na “Luna Mystika” and now that the show is about to end, hindi niya maiwasan na malungkot at ma-miss ang kanyang mga nakasama sa show.
Nakausap ng iGMA si Jace Flores sa press conference ng Nestea Fit Beach Volleyball National Circuit ‘09 kung saan ilan sa mga season one Survivor castaways ay napiling maging mga endorsers ng event. We asked him about his current prime time show, Luna Mystika.

“Actually I didn’t expect it to go so well…I expected na magiging uncomfortable ako kasi ang daming mga artista at baguhan lang ako pero hindi eh, I really felt secure and comfortable around them kasi instead of making me feel like the new guy, they were supportive,” the newcomer says.
Idinagdag pa niya na marami siyang natutunan sa kanyang mga kasamang artista, lalung-lalo na sa mga veteran actors ng show. “As in I felt like one of them. Parang kung may mali man ako sa taping, bibigyan pa nila ako ng advice. They’ll be coming from Gardo Versoza himself. Ang galing-galing nya! Si Tita Chanda (Romero) din. As in they would tell me what’s wrong and what I have to improve also, sobrang saya,” he notes.
When we asked him about the show’s impending end, obvious na hindi pa ready si Jace na magtapos ang
Luna Mystika.
“Malungkot kasi syempre naging close ko 'yung mga fellow artist ko, 'yung mga staff. Nakaka-miss talaga 'yung mga kasama ko. Sana sila ulit 'yung mga makakasama ko sa next kong show.”
Ikunuwento niya na marami siyang mami-miss once matapos ang
Luna Mystika. “Sa tingin ko sa kakulitan, mami-miss ko si Marky Lopez. Ang kulit niya, grabe! As in walang taping na hindi ako tumatawa kasama niya. Tapos ang pinaka mami-miss kong staff is si Ms. H (Helen Rose Sese- Executive Producer), lagi syang kasama eh, pag hindi ko scene, tambay lang ako dun nood lang ako. Mabait siya,” ayon kay Jace na medyo naging sentimental ng banggitin ang mga kasama niya sa show. --
Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Kayo sino ang mami-miss niyo sa
Luna Mystika? Log on to
iGMA forums.
Huwag palampasin ang huling linggo ng
Luna Mystika, right after
24 Oras.