
Sana all.
Sunod-sunod na nag-fangirl si The Gift actress Jean Garcia nang makita ang nagga-guwapuhang idols na sina Jung Hae-In, Gabby Concepcion, at Jestoni Alarcon ngayong weekend.
Nagsimula ito nang dumalo siya sa meet and greet event ni South Korean superstar Jung Hae-In sa New Frontier Theater kahapon, September 28.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang kilig nang makita ang Korean oppa.
“Me fangirling….I love you @holyhaein #pagbigyan #walangkokontra”
Matagal ng big fan si Jean ni Hae-in at aminadong isa siyang K-drama at K-Pop fanatic.
IN PHOTOS: Pinoy celebrities na K-Pop at K-Drama fans
Sa parehong gabi, nakita naman ng aktres ang matinée idols na sina Gabby Concepcion at Jestoni Alarcon. Napa-”it's raining men” na lamang ang aktres sa kanyang social media page.
Aniya nang makita ang former Love You Two actor, “After fangirling with @holyhaein, naku lagot oppa @concepciongabby yun talaga.”
Saad naman nito nang makita ang One Of The Baes star, “Haaaayy ano ba??!!! @realjestonialarcon!!! Ayiieeee.
“'Wag kayo mainggit talagang eto weekend ko!!!!”
EXCLUSIVE: Jean Garcia, ipinakilala ang kanyang karakter sa 'The Gift'
Jean Garcia, hindi nagulat sa tagumpay ni Alden Richards