Showbiz News

WATCH: Paolo Contis, solid Kapuso pa rin after 15 years!

By Cara Emmeline Garcia

Lalong pinagtibay ni Paolo Contis ang kanyang relasyon sa Kapuso network nang muli siyang pumirma ng kontrata noong Biyernes, September 27.

Kasama sa contract singing sina GMA Network SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, at GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer.

Sambit ni Atty. Gozon, “Tayo'y tuwang-tuwa na napili na naman tayo ni Paolo na manatili sa GMA sapagkat isa siya sa [mga] magaling at loyal na artista natin for 15 years.”

Bahagi naman ng Bubble Gang comedian, itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang GMA Network.

“Basically, dito na sa GMA ako tumanda in terms of nag-mature, in terms of my personal life, professionally.

“Itong 15 years na ito ay kung saan ako nag-mature at I'm very happy na dito [sa GMA] ko iyon ginawa.

“Tahanan ko na talaga 'tong GMA.”

Panoorin ang contract signing ni Paolo at iba pang loyal Kapuso stars sa ulat ni Nelson Canlas:

IN PHOTOS: Paolo Contis renews contract with GMA

READ: Paolo Contis, itinuturing nang tahanan ang GMA Network