What's Hot

Nadine Samonte celebrates 21st birthday with Children's Joy Foundation

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 10:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Nasorpresa ang GMA Artist Center artist na si Nadine Samonte sa magandang pagsalubong sa kanya ng mga bata mula Children's Joy Foundation (CJF).
Nasorpresa ang GMA Artist Center artist na si Nadine Samonte sa magandang pagsalubong sa kanya ng mga bata mula Children's Joy Foundation (CJF) sa Project 8, Quezon City, kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang 21st birthday last March 9. Ang ilan sa mga bata ay tumutugtog ng rondalla at ang iba ay kumakanta ng birthday song medley. Hindi ito ine-expect ni Nadine dahil first time nga niyang mag-birthday sa isang foundation for kids. March 2 talaga ang birthday niya, pero last March 9 lang siya nakapag-celebrate at kasama nga ang CJF kids. Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration na ito ni Nadine at kitang-kita rin ang pag-iyak ng aktres dahil talaga namang naantig ang kanyang damdamin. stars
Hindi pa natatapos tumugtog ang CJF Rondalla ay napaiyak na si Nadine. Aniya, na-touch daw kasi siya sa sorpresa ng mga bata sa kanya. Lalo siyang napaluha sa kaligayahan nang ilan sa mga bata ay nagbigay ng mga wish para sa kanya. Tapos ay isa-isang nag-abot ng kanilang ginawang birthday cards ang mga bata para sa kanilang Ate Nadine. Pagkatapos ay nag-blow the candles na si Nadine sa cake na bigay sa kanya ng GMA Artist Center. Nag-speech din si Nadine at ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa mga CJF kids sa inihanda nilang sorpresa para sa kanya. Sa huli ay muling kumanta ang mga bata ng original song ng CJF entitled "Tatlong Milyong Pasasalamat." Masayang-masaya ang birthday party dahil bukod sa kantahan ay nagkaroon din ng kainan, sayawan, parlor games, at picture-taking. Siyempre, hindi mawawala ang pamamahagi ng regalo ni Nadine para sa mga bata na galing sa mga sponsors niya. Isang plaque of appreciation naman mula sa CJF ang ibinigay ng CJF NCR Project Coordinator na si Mary Ann Sugaste kay Nadine bilang pasasalamat na ang kanilang foundation ang napiling pagganapan ng birthday ng aktres at sa mga biyaya para sa mga bata. Present sa birthday ni Nadine ang kanyang Mommy Edjie, GMA Artist Center staff headed by PR officers Shirley Pizzaro and Jenny Donato, Igan Foundation staff, at Gibi staff. Meaningful birthday No to sexy roles Ano ang mae-expect sa kanya ng mga tao ngayong 21 na siya? Magiging daring na ba siya sa mga roles? "Actually, tumatanggap naman ako ng mga mature roles. Meron pa nga akong nanay role. Tapos nagkontrabida na rin ako." Puwede na bang magpa-sexy si Nadine? "Sexy sa role? Siguro puwede yung mature na roles, pero yung sexy roles parang hindi ko pa kaya. Depende kasi sa script, e." Hindi ba siya binibigyan ng limitations ng kanyang businessman boyfriend na si Emerson Chua? "Ay, wala naman. So far, wala naman. Kaya okay na rin. Ang sabi naman niya, nasa akin naman daw yun, e." No wedding yet stars
Speaking of Emerson, may lumalabas kasing balibalita na niyayaya na raw siyang pakasal ng kanyang Filipino-Chinese boyfriend of four years. Totoo ba ito? "Oo nga e. Bakit ako hindi ko alam? Buti sila alam nila. Pero hindi, wala pa. Wala pang ganun. Wala pang kasal-kasal. Kasi may kontrata pa ako sa GMA, hindi pa puwede. And second, nag-iipon pa kami e. So, gusto namin kapag ikinasal kami may bahay na kami, may business na kami. As of now, wala pa, e. Pinag-iipunan pa namin. At saka pinag-iisipan pa namin kung anong business yung papasukin namin." Hindi pa sila magpapakasal, pero engaged na ba sila? "Hindi pa. Kung engaged man kami, sasabihin ko naman yun, e. Hindi naman yun itinatago." Since hindi pa naman kayo ikinakasal ni Emerson, may mga nanliligaw pa ba sa kanya? "Wala namang nanliligaw. Pero merong mga nagpaparamdam, mga non-showbiz. Alam naman nila na may boyfriend ako, e, pero lagi nilang sinasabi na hindi pa naman daw kami mag-asawa. Pero ako kasi one-man woman lang ako e. Hindi ako nag-e-entertain ng iba. Pero meron mga nagpapapansin, nagpaparamdam. Hanggang doon lang sila." Dapat bang maging confident si Emerson? "Hindi puwede, minsan kasi pag sobrang confident na doon nag-iiba yung ugali ng lalaki. Minsan doon nagiging possessive, na tipong akin lang ito, e. So, parang kahit anong gawin niya, e, puwede na. Hindi dapat ganun." Gaano ba niya kamahal at gaano kaimportante si Emerson sa kanya? "Yung pagmamahal naman hindi nasusukat, e. Importante siya sa akin kasi binibigyan niya ako ng inspiration. Binibigyan niya ako ng care, minamahal niya ako. Siguro masasabi ko kasing importante siya ng pamilya ko. Mahal ko siya katulad din ng pagmamahal ko sa family ko." Kinumpirma naman ni Nadine ang naunang balita rito sa PEP na hindi boto sa kanya ang pure Chinese na lola ni Emerson. "Kasi hindi ako Chinese, e. May tradisyon pa rin sila na kailangang Chinese din yung maging girlfriend o mapangasawa ng Chinese." Ano ang sinasabi ni Emerson? "Kay Emerson naman, wala namang problema, e. Kahit sa mga parents niya, okay lang din. Sinasabi lang niya na huwag na munang pansinin yun at huwag na munang ipilit." Hindi kaya kayo magkaroon ng problema in the future dahil sa tradisyon na 'yan? "Sana hindi. Sana matanggap pa rin ako ng lola niya." Noong malaman niya yun, ano ang naging reaksiyon niya? "Siyempre, masakit. Kasi isa pa raw, artista pa raw ako. Ganun talaga, e." Ano naman ang reaksiyon ng kanyang Mommy Edgie tungkol dito? "Wala naman, expected na niya, e. Kasi sinasabi nga niya na Chinese kasi, e. Siguro later on naman mami-meet ko rin yung lola niya. Yung lolo naman na-meet ko na, e. Mabait sa akin yung lolo." Emerson's surprise gift March 2, mismong birthday niya, nasa bahay lang daw siya kasama ang kanyang family. A week before her birthday (February 26-March 1) kasi ay nasa Boracay siya na parang advance celebration na rin for her birthday. Kasama niya rito ang kanyang boyfriend na si Emerson at ang mga kaibigang sina Isabel Oli, Jennica Garcia, at Glaiza de Castro. Siya lang daw ang may kasamang boyfriend. "Oo nga, inggit sila!" natatawang pahayag ni Nadine. Ayon pa kay Nadine, advance daw ang pagbibigay ni Emerson ng birthday gift para sa kanya. "May ibinigay kasi siya sa akin the night of February 28. May sinurprise siya sa akin." Ano naman yung surprise na 'yon? "Secret," ani Nadine. Pero aniya, yung regalo raw ni Emerson ay something to wear. Still a Kapuso starsAfter ng Gagambino ay wala pang naka-schedule na gawing susunod si Nadine. Pero aniya, alam naman niyang hindi siya pababayaan ng GMA-7. Pero happy naman ba siya sa takbo ng career niya sa GMA-7? "Oo naman, happy naman." Hindi ba siya napu-frustrate na wala pa siyang kasunod na project after Gagambino? "Siyempre malungkot, kasi sanay ako dati ng sunud-sunod. Pero okay lang. At saka lahat kasi ng mga shows ngayon, kapapasok lang, e. So, ang hirap sumingit din. Siguro naman hindi naman ako pababayaan ng GMA." Nagiging issue ulit ngayon yung lipatan ng istasyon. Makakasigurado ba ang mga Kapuso na hindi siya lilipat ng Kapamilya network? "As of now, may existing contract ako, so GMA pa rin ako. Pero if ever na after ng contract ko ay hindi na nila ako kukunin, nakukuha naman yun sa magandang usapan, e. Kasi kung wala nang project na naibibigay sa iyo, tapos kung may offer naman sa kabila, why not, di ba?" Habang wala pa raw siyang ginagawang showbiz project ngayon ay magiging abala siya sa pag-organize ng isang badminton tournament. Matagal-tagal na ring nahilig sa paglalaro ng badminton si Nadine. "Ako yung magpapa-tournament talaga. Plano ko by April or May. Baka mag-invite din kami ng mga celebrities." -- PEP.ph Alamin ang mga plano ni Nadine! From career plans, tournament plans—or summer plans, lahat yan pwede niyong malaman from her mismo through Fanatxt! Just text NADINE to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)