Article Inside Page
Showbiz News
Sa press con ng 'Sundo,' inamin ni Robin Padilla na naniwala siya at nirerespeto niya ang mga mga multo at espiritu.
Simula bukas, March 18, mapapanood na natin ang first Pinoy horror movie ng taon courtesy of GMA Films, ang 'Sundo.' Sa press conference ng nasabing movie, inamin ni Robin Padilla na nainiwala siya sa mga multo. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Films.
Nagmula ang concept ng
Sundo mula sa matandang paniniwala na sinusundo ng kanilang mga kamaganak o kaibigan ang mga malapit ng mamatay. Sa kwento,
Robin Padilla plays the character of Romano, isang sundalong may anking kakaibang katangian- nakakakita siya ng mga kaluluwa na sumusundo sa mga taong malapit ng kunin ni kamatayan.

During the press conference of the movie, hindi maiwasang itanong ng mga reporters at writers kung ano ba ang masasabi ni Robin sa ganitong mga pamahiin at paniniwala.
“'Yung pinaguusapan ay matandang paniniwala na, ang ‘sundo’. Hindi lang Pilipino ang naniniwala diyan kung ‘di iba’t ibang nation at iyan ay sinususugan din ng iba’t ibang relihiyon na talagang sa araw ng kamatayan mo may susundo sa iyo,” ayon sa aktor.
Idinagdag pa niya na hindi nakasalalay sa relihiyon kung maniniwala ka man sa mga multo at evil spirits. “Ang Christians, Muslims, and Jews, pareho-pareho lang po tayong galing kay Abraham. Kung naniniwala kayo sa evil spirits, meron din po ‘yan sa mga Muslim. Kasama natin sila araw-araw."
Itinanong din ng mga press ang tungkol sa napapabalitang third eye ni Robin at kung meron ba siyang kakaibang karanasan during the shoot of their movie.
“Lahat naman ng tao mayroong nararamdamang kakaiba sa mga lugar na kakaiba, katulad siguro noong nag shooting kami sa Baguio medyo 'yung ibang kasama namin, medyo na-possess, mayroong nakakita ng iba, 'yung mga picture na kuha doon , may ibang mga itsura. Hindi siguro maiiwasan dahil 'yung istorya tungkol sa ganun kaya parang naiimbitahan natin 'yung mga espiritong ligaw, pero hindi naman ito nakapag dulot ng masama o nasaktan kami o nasaktan 'yung ibang kasama namin. Siguro 'yung iba, laro ng isip, 'yung iba laro ng tadhana, pero ang importante po doon, lahat ng pangyayari po doon ay nakatulong para magawang maganda 'yung pelikula,” ang pahayag ng original Bad Boy of Philippine show business.
“Yung tungkol naman po sa sinasabi ninyong third eye, marami ho akong napanood na documentary, marami akong nabasang libro, lahat ng tao meron niyan ‘yun lang nasa iyo ‘yan kung papano mo ide-develop o itatago mo na lang,” ang paliwanag naman ni Robin.
“’Yung aking po, masyado lang po akong sensitibo at nakakaramdam na meron talagang nilalang na nasa paligid natin and kung gusto nating silang i-ignore, mai-ignore natin pero kung gusto natin silang makita, pumunta ka lang sa isang sulok, patayin mo ang ilaw, magbilang ka at makikita mo sila.”
Kayo naniniwala ba kayo sa
Sundo? Huwag palampasin ang suspense-thriller ng taon mula sa GMA Films, showing na starting March 18 in theaters nationwide.
Maari mo ring hingan ng update si Robin about his latest movie through his Fanatxt service. Just text ROBIN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50. (This service is exclusive for Smart and Talk 'N Text subscribers in the Philippines only.)