Article Inside Page
Showbiz News
In the last weeks ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang', marami ang nagtataka sa biglang pagbabago ng ugali ni Proserfina. What happened nga ba?
In the last weeks ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang', marami ang nagtataka sa biglang pagbabago ng ugali ni Proserfina. So iGMA went to Proserfina herself to ask about the changes—and Marian Rivera obliged to share her personal take on what's going on. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
Marian Rivera is definitely showing less skin since
Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang began. During our visit sa set ng show, Marian is wearing a spaghetti top, a waistcoat and skinny jeans. Balot na balot compared to the slinky black dresses she usually wore in the first couple of weeks of the show.

And nang kamustahin namin ang character niya, Marian is happy to report na "Okay naman [si Proserfina]." She explains that the character is undergoing change, gaya nga ng napapanood ng viewers sa television lately. The reason for this, Marian says, is because the audience is being let in sa mga secrets ng past ni Proserfina.
"Talagang mas pinaaga 'yung flashbacks—kung bakit ganoon 'yung attitude ni Proserfina." Sa simula ng soap, ipinakita na agad kung ano ang kinalabasan ni Proserfina. Ngayon, ipakikita naman kung bakit siya nagkaganoon. "Ngayon, makikita mo, puro iyak si Proserfina."
From drama to fantasy, Marian is embracing her new role as an action star dito sa
Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang—kahit na halos puro iyakan ang eksenang kinukunan niya. "Puro action kami, puro habulan," she details. Medyo mas marami nga lang action scenes si
Dingdong Dantes ngayon.
Speaking of which, kamusta naman si Dingdong kasama sa kanilang third soap? "Siyempre happy, dahil kami ulit 'yung magkasama, 'di ba?" Marian says na ang nagpapasaya pa lalo sa kanilang samahan ay ang fact na talagang wala nang ilangan between the two. "Diyos ko, sa tatlong soap na nagawa [namin], 'di ba?"
Ang kaibahan lang this time around, as Marian said numerous times in previous interviews, ay si Dingdong na ang nanghahabol. Dagdag pa niya, "first time ko din gumawa ng soap na hindi ako inapi—sa umpisa." Sabay tawa. Now, dahil mas gusto nga ng karamihan na alamin agad ang mystery ni Proserfina, balik api-apihan ulit si Marian.
"Medyo nag-light na si Proserfina, hindi na siya ganoon ka-tapang," Marian reveals. Pero this will serve a purpose in the story. Kaya lang naman kasi humihina si Proserfina, ay dahil in danger ang mga taong mahal niya: sina Selena, Ulysses, Afie at Homer.
Pero what happens when she finds out na hindi pala talaga si Selena ang Selena na kaharap niya? Na isa lang pala itong patibong ni Rado? "Ayan!" Marian says excitedly. "Doon magti-twist yan. Doon magbabago 'yung pagtingin ng tao sa akin."
Rado is played by
Paolo Contis sa show, and according to Marian, "si Paolo talaga 'yung sobrang nang-aapi sa akin. So siya 'yung dahilan kung bakit ako nagiging masama."
So will there be further changes sa character ni Proserfina anytime soon? Kailangan natin abangan sa paparating na mga rebelasyon. Pero meron na kaming ilang mysteries na pinasagot kay Marian patungkol kay Proserfina.

"'Yung isa? 'yung namatay, kapatid ko rin yun." Marian clarifies. Para sa mga hindi nakapanood, Renz Valerio played the kid that died in Proserfina's arms—at according to Marian, this is one of her brothers.
As for her mother, the real Proserfina, tinanong namin si Marian kung mahahanap na ba niya ito. Ang sagot ni Marian, "hindi pa."
At ang stunts nung pilot episode? Ang pag-akyat ng bahay? "Ginawa ko!" At this point, naging excited ulit si Marian. Hindi nga naman niya kasi tinago from the start na gusto niyang gawin lahat ng stunts niya. Of course, being pilay nung time na kinunan 'yung eksena, Marian admits na hindi siya 'yung mismong umakyat ng bahay ni Homer. "Pero 'yung pag-akyat lang ['yung] hindi."
Hindi raw siya natakot sa ginawa niya, "ingat lang," she says. Pero, natatawa niyang dagdag, "['yung staff] 'yung natakot para sa akin."
Regarding the fate of her relationship with Homer naman—tinatanong pa ba yan?
To end, Marian invites her fans and the show's viewers to tune in sa mga sumusunod na linggo. "Malalaman [niyo] 'yung mga puno't dulo ng lahat ng kasamaan, kung bakit nagkakaganito [si Proserfina], kung bakit naging ganoon ang ugali [niya] at bakit [siya] nag-iiba ngayon. So lahat 'yun, malalaman [niyo] na nang unti-unti."
And sa mga naguluhan sa ipinakikitang mga kilos ni Marian, she says she can't blame the viewers kung hindi nila maintindihan. "Ngayon, maiintindihan na nila."
Intriguing 'no? Kaya naman wag nang palampasin ang mga umiinit na sandali sa obra ni Carlo J. Caparas'
Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Gabi-gabi yan, sa GMA Telebabad.
At kung gusto mo pang makaalam ng iba pang developments sa story? Ask Marian mismo—through her Fanatxt service!
Just text MARIAN and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)