Article Inside Page
Showbiz News
Angelika dela Cruz has her own little bundle of joy now. Nanganak na noong Marso 20, Friday, 10:06 a.m. ng umaga si Angelika sa UERM Hospital.
Angelika dela Cruz has her own little bundle of joy now. Nanganak na noong Marso 20, Friday, 10:06 a.m. ng umaga si Angelika sa UERM Hospital. Lalaki ang isinilang ni Angelika by way of caesarian section. Gabriel "Gabby" Casareo ang ibinigay na pangalan ng mag-asawang Orion at Angelika.

"Happy kami," text ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
May bigat na 6.12 pounds ang bata at may habang 51 cm.
"Cute, mestizo. Halo kami ni Orion [sa hitsura], pero mas kamukha niya. Super puti, ang cute-cute!" gushes the new mother.
Thursday ng gabi, 10 p.m., dinala si Angelika sa hospital at hanggang Biyernes, March 27, pa sila roong mag-ina bago makauwi.
Hindi pa sure kung kailan papabinyagan si Gabby at hindi pa rin final ang mga ninong at ninang. Tuloy pa rin ang church wedding ng mag-asawa sa December 4.
Ipinalabas ang exclusive interview ni Angelika sa
Showbiz Central.
Originally, isang Kapamilya na lumipat sa Kapuso at nagbalik-Kapamilya muli, muling nagbalik sa GMA-7 si Angelika noong isang taon sa pamamagitan ng dalawang high-profile series-ang primetime na
Babangon Ako't Dudurugin Kita at ang Sine Novela na
Una Kang Naging Akin.
Kalagitnaan ng
Una Kang Naging Akin nalaman ni Angelika na buntis na pala siya, tatlong buwan pagkatapos nilang ikasal sa huwes ni Orion sa Bicol. Huling napanood si Angelika sa primetime soap na
Lalola. -
PEP.ph
Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register
here!