
Malapit nang makuha ni Ronnie Liang ang kanyang lisensya bilang private pilot.
Kaunting oras na lang ang kailangang gugugulin ng singer-actor para maging isang ganap na piloto, na pangarap niya noong bata pa siya.
Noong una ay inilihim ni Ronnie sa kanyang magulang ang pag-e-enroll n'ya ng pilot course dahil natatakot siyang hindi pumasa.
Hanggang sa kinuha siya mismo ng APG International Aviation Academy para sa kanila i-practice ang pagpipiloto.
Ayon kay Ronnie, kapag naging isang ganap na piloto na siya, unang-una isasakay niya sa eroplano ang kanyang pamilya.
LINK: LOOK: Ronnie Liang fulfills childhood dream of becoming a pilot
https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/hobbies/49528/look-ronnie-liang-fulfills-childhood-dream-of-becoming-a-pilot/story
Samantala, bagamat puspusan na ang kanyang pag-aaral sa pagiging piloto, nilinaw naman ni Ronnie na wala siyang balak na linasin ang mundo ng showbiz.
Sa katunayan, hinahati niya ngayon ang kanyang oras sa pag-aaral at upcoming concert na Love x Romance sa Music Museum sa November 8.
Dahil bahagi ito ng selebrasyon niya ng kanyang ika-13 taon sa music industry, sobrang hands-on ang “Ngiti” singer sa preparasyon para rito.
Biro pa niya, tila nahanap na niya ang kanyang totoo pag-ibig--ang concert. Ibibigay n'ya raw kasi rito ang kanyang buong puso.
“I'm so thankful sa lahat ng sumusuporta sa akin hanggang ngayon.
“Ako naman, I continue singing lang, and also acting. Viva is so supportive sa akin. And ang fans ko, grabe 'yung suporta nila,” pahayag ng singer.
Malaki rin ang pasasalamat ni Ronnie sa patuloy na pagkilala sa kanya bilang isang singer. Katulad na lamang ng dalawang nominasyon mula sa 11th PMPC Star Awards for Music, ang Male Recording Artist of the Year at Revival Recording of the Year.
“Puro pagpapasalamat ang laman ng puso ko ngayon dahil sa blessings from God.
“Maging nominado lang ako, kasama si Alden Richards, masaya na ako. Alden is a nice guy.
“At mukhang mahal na mahal n'ya talaga 'yung trabaho n'ya,” pagtatapos niya.