Article Inside Page
Showbiz News
Marami ang natuwa sa balik-tambalan nina Richard and Rhian sa 'Zorro.' At hindi din maitago ng binata na sobrang proud siya sa kanyang on-screen partner.
Kasalukuyang namamayani sa ratings game ng prime time ang ‘Zorro.’ Pinangungunahan ni Richard Gutierrez at Rhian Ramos, marami ang natuwa na muling nagbalik ang tambalan ng dalawa. Kaya naman ng tanungin ng iGMA si Richard about his reunion with Rhian, inamin niyang sobrang proud siya sa dalaga. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network.
Kitang-kita naman sa bawat eksena na pinagsasamahan ni
Richard Gutierrez at
Rhian Ramos ang kakaibang chemistry na talaga namang nakakakilig. It was truly a wise decision to give the role of Lolita to Rhian Ramos, na una ng nakatambal ni Richard sa
Mars Ravelo’s Captain Barbell.

Ayon na rin sa aktor, malaki ang ipinagbago ni Rhian and he is definitely proud of the beautiful young actress.
“I’m happy for Rhian na, you know, she was able to establish herself well as a solo actress," ang buong-pagmamalaking pahayag ni Richard noong makausap siya ng iGMA. "She even won an award as an actress. I’m very proud of her, really—very proud!”
Idinagdag pa niya na he was really excited nang malaman niya na isa si Rhian sa magiging love interests ni Zorro sa istorya, and he certainly looked forward to working with the
La Lola star once again: “I’m happy that we’re together again for
Zorro. It's always fun working with Rhian. We always have fun working together, and she's a great actress. So, when we have scenes together, she gets the best out of me also, as an artist."
Dahil naman sa mga positive na remarks na binitawan ni Richard para sa aktres, minabuti naming tanungin ang reaksyon ni Rhian sa mga magagandang papuri na sinabi ni Richard sa kanya.
“My gosh, sobrang na-miss ko siya!" ang mabilis na sagot ng aktres, na halatang happy din sa balik-tambalan nilang dalawa ni Richard. "So nung parang nakikita ko din, ‘yung parang lumalabas din siya sa screen, kapag pinapanood ko ‘yung mga eksena pagkatapos naming gawin, nakikita mo yung ano, big wow—nami-miss ko talaga siya. ‘Yung parang ganon, nakikita mo ‘yung excitement to be working together again.”
Obvious na hindi gimik ang mga pahayag ng dalawa at totoo namang na-miss nila ang tambalan nila on-screen, kaya naman tiyak na marami pa tayong mapapanood na nakakikilig na eksena from these two—at baka may bonus pa! Dahil ayon kay Direk Dominic Zapata, nang tanungin ng iGMA kung magkakaroon ba ng fight scenes si Richard at Rhian ala Antonio Banderas at Catherine Zeta-Jones, ito ang pahayag ng director: “It is almost a perfunctory fight scene, na when it comes to the franchise, it is something na you will enjoy watching. So, although we haven’t shot it, I think it is safe to say that it will reach that point na we would have to do something like that. Not because we are imitating it but it really just part of the franchise. Hahanapin ‘yun!”
Panoorin ang
Zorro weeknights right after
24 Oras.
Talk about this topic sa
iGMA forum.
“Puwede ninyo ring tanungin si Richard at Rhian ng updates sa Zorro, through their Fanatxt service. Text RICHARD or RHIAN and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)