What's Hot

Sweet, magsusuot ng bathing suit for his 16th anniversary show

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 28, 2020 9:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Muli na namang manggugulat si John "Sweet" Lapus sa bagong pictorial niya para sa kanyang anniversary show na Sweet 16.
Muli na namang manggugulat si John "Sweet" Lapus sa bagong pictorial niya para sa kanyang anniversary show na Sweet 16, na gaganapin on May 15 and 16 sa Teatrino Greenhills. Dahil nagsimula na ang summer season, naisipan ng host ng Showbiz Central na magpakuha na naka-bathing suit. Walang takot na nag-abala si Sweet na gayahin ang naging cover pictorials nina Marian Rivera at Lucy Torres-Gomez na nagsuot ng sexy swimwear. Sabi ni Sweet, na-inspire lang daw siya sa mga tulad nina Marian at Lucy dahil mukha na lang daw nila ay mabebenta na ang magazine. Pero nagpakita pa rin sila ng mga kurba ng kanilang mga katawan dahil confident ang mga ito sa kanilang figure. stars "Aba, confident din ako, di ba?" malakas na tawa ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "In fact, umaapaw ako sa confidence. Kaya wala akong takot na mag-bathing suit sa aking bagong pictorial! "Sa tinagal ko naman sa profession kong ito, ang naging puhunan ko talaga ay lakas ng loob, tibay ng sikmura, at walang pakundangang confidence sa katawan. May mga nag-suggest na sa akin na mag-bathing suit naman ako sa next pictorial ko kasi sawa na raw sila sa mga nakakalokang outfits ko. Para maiba naman daw. "In fairness, ako lang naman yata ang kayang gumawa ng gano'n dahil nga sa wala nga akong takot. Kaya pinagbigyan ko ang request ng mga sisters natin diyan. Heto at maloka kayo sa makikita ninyo sa aking Sweet 16 poster layout." Isa sa mga isinuot ni Sweet sa kanyang pictorial ay isang gold skimpy swimsuit na nahahawig sa mga nasuot nang bathing suit ni Katrina Halili. Sa tulong daw ng tatlong araw na crash diet ay napagkasya ni Sweet ang kanyang "voluptuous" na katawan sa bathing suit na 'yon. "Hindi ko naman itinatanggi na pang-plus size ang katawan ko. Nagkakaedad na tayo kaya mahirap nang magpapayat, not unless magpa-liposuction ulit ako. Eh, wala nang time kaya magtiyaga tayo sa diet, 'di ba? "'Tsaka uso naman ngayon ang mga plus-size, 'di ba? Mga models nga sa U.S. ngayon, mga may curves na at malaman. Hindi na raw uso ang mga mapapayat na models ngayon. Kaya makiuso na lang ako. "Pero siyempre, dadaan naman sa airbrush at Photoshop ang mga litrato ko para naman maging mas kaakit-akit ang dating. Mabura ang mga tsismis sa katawan natin na hindi naman karamihan. At malagyan ako ng konting kurba. "Naku, hindi talaga madali ang trabaho namin talaga! Mahirap ang kumita ng pera kaya lahat ng puwedeng gawin ay paghandaan namin. Pero dahil showgirl naman talaga ako, kaya kong panindigan ang mga ganito," dire-diretsong pahayag ni Sweet. Handa na ba si Sweet sa hindi magandang feedback na matatanggap niya sa pagsuot ng bathing suit? "Ready naman ako kahit sa ano," sagot niya. "Kaya nga ako tumagal ng 16 years sa showbiz dahil tanggap ko lahat ng positive at negative reviews sa akin. Mas nagpapalakas sa akin kasi ang mga ganyan. Kapag may pintas sa akin, it means na pinagtiyagaan akong pintasan. Hinanapan talaga ako ng kung anu-anong hindi maganda. In other words, pinagkaabalahan ako. stars "Sa mundo naman na ito, hindi mawawala ang mga nega. You cannot please anybody all the time. Meron talagang magda-down sa iyo which only makes me stronger. The more na okrayin ako, the more na magpapakita ako ng kung anu-anong nakakaloka!" tawa ni Sweet. Sixteenth anniversay show Ayon sa director ni Sweet sa kanyang anniversary show na Sweet 16 na si Philip Lazaro, hindi lang basta pagpapatawa ang gagawin ni Sweet. Isang show daw ito na bibigyang halaga ni Sweet ang mga taong humubog sa kanyang pagkatao, lalo na sa naging career niya sa showbiz. Ani Philip, "It's a way of giving back to the people who made John the entertainer that he is now. Yung Sweet na napapanood natin sa TV at pelikula, hindi siya mag-e-exist without these people who believed in his talent. May mga VTR kami from people na naging part ng buhay ni Sweet, in and out of showbiz. Magsasabi sila ng mga naging karanasan nila with John as he made his journey sa trabahong ito. "Being in the business for 16 years means na successful ka and you are doing something right. At the same time, paghahanda na sa pagpasok mo sa mga bago pang mangyayari as you move on patungo sa 20th year mo. Parang dalagita na kaka-16 lang. Paghahandaan niya ang mga changes sa buhay niya. May masasakit at may masasarap na mangyayari. What's important is you learn from what will be in store for you in the future." Ayon naman sa namamahala ng produksiyon ng Sweet 16 na si Aleli "Mosang" Bagio, hindi isang drama ang anniversary show ni Sweet kundi puno pa rin ito ng mga bagong pagpapatawa niya. "Hindi naman namin gagawin na soap drama ang show," diin ni Mosang. "It will still be filled with entertaining skits kasi may three new characters siyang gagawin. Yung mga dating characters na ginagawa ni Sweet, pahinga muna sila. Pero babati sila kay Sweet sa VTR. Isa 'yan sa mga abangan nila kasi marami-rami 'yon. "At siyempre, hindi dapat mawala ang mga buwis-buhay na dance number niya. Mas bongga ang production numbers ni Sweet ngayon as compared sa mga nauna niyang shows like Sweet Dreams and Sweetilicious. Pero may nakahanda pa rin kaming ambulance in case na may mangyaring di kanais-nais!" sabay tawa ni Mosang. At press time, si Marian Rivera pa lang daw ang confirmed guest ni Sweet sa kanyang anniversary show. Pero sigurado na raw na taga-Star Magic ang isa pa niyang magiging guest. -= PEP.ph