What's Hot

Patrick Garcia and Glaiza de Castro shot Igorota in Baguio City

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 2:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-imbita ang program manager na si Rams David sa taping ng second summer episode nila ng 'Dear Friend.'
Nag-imbita ang program manager na si Rams David sa taping ng second summer episode nila ng 'Dear Friend,' na hosted by Marvin Agustin and Jolina Magdangal. Ang four-part episode titled "Igorota" ay magtatampok for the first time kina Patrick Garcia at Glaiza de Castro. Ito rin ang third time na magkasama sina Glaiza at Polo Ravales after ng 'Gagambino' at ang una nilang appearance sa 'Dear Friend'. Early Friday morning, April 3, nagpunta ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa Baguio City at tumuloy sa The Suites ng The Manor sa Camp John Hay. Doon din nag-stay ang mga artista at ang director na si Topel Lee. stars Halos hindi na nagpahinga sina Glaiza at Polo nang dumating sila sa Baguio. Tuloy agad sila sa taping ng mga happy moments scenes nila sa Mines View Park. At dahil malapit na nga ang Holy Week, nahirapan ang crowd control na pigilang lumapit ang mga tao kina Glaiza at Polo, at lalong mahirap nang nandoon na sila sa mga stalls ng market sa Mines View Park dahil lalong dumami ang mga tao. After lunch, sa maluwang na lawn sa likod ng The Manor ginanap ang wedding scene nina Glaiza at Polo. Habang nagsi-set up si Direk Topel, nakausap ng PEP si Patrick at natanong siyang mabuti at hindi niya tinanggihan ang bagong project. Dahil ba iyon kay Glaiza na nali-link sa kanya? "Hindi naman, sabihin na nating na-miss ko na rin ang acting dahil almost seven months na rin nang matapos ko ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, nakangiting sagot ni Patrick. "It's nice to work naman with Glaiza dahil friends naman kami, plus maganda ang story nitong 'Igorota.'" "I'm playing the role of Mando, childhood friend kami ni Mabel [played by Glaiza]. Isa akong Filipino-German, pero Igorot ang nanay ko kaya magkapitbahay kami ni Glaiza. Kahit nag-aral ako sa Manila, naging very close friends kami ni Mabel, hindi niya alam, in love ako sa kanya at gagawin ko ang lahat para maging masaya siya, kahit ano at kahit pa masaktan ang damdamin ko." Natawa naman si Glaiza nang tanungin namin siya na kung isa siyang Igorota, magta-topless ba siya? "Naku, hindi ko po kaya iyon, pero maganda po ang story namin," sagot ni Glaiza. "Bale ito po ang sumunod kong project sa GMA-7 pagkatapos ng Gagambino. I play the role of Mabel at best friends kami ni Mando [Patrick]. Pero hindi po siya ang mahal ko kundi si Jason, kahit galit sa akin ng mama niya si Victoria [Dexter Doria] dahil mayaman siya at ayaw niya sa isang tulad kong Igorota. Mabubuntis ako ni Polo, pero sa araw ng kasal namin, hindi niya ako sisiputin. Ang laging nandoon para ako alalayan ay si Mando at ang ina kong si Rosa [Mel Kimura]." stars First time namang makakasama ni Polo si Patrick sa isang soap. "Pero noon ko pa kilala si Patrick and it's nice to work with him," sabi ni Polo. "After ng Gagambino, ito ang sumunod kong project, pero sabi sa akin, baka raw makasama ako sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda. "Dito sa 'Igorota,' I'm playing the role of Jason, Manila boy ako, mayaman, at nagkakilala kami ni Mabel [Glaiza] nang nagbakasyon ako sa Banawe. Ako ang minahal niya, at mahal ko rin siya, pero hindi ko kayang labanan ang aking ina. Iniwan ko siya, pero hindi ko alam na nang iwanan ko siya pregnant na pala siya. Muli kaming nagkabalikan at handa na akong magpakasal sa kanya pero hindi ito matutuloy." Nagulat naman kami nang malaman naming si Topel Lee, na kilalang horror/suspense director, ang nagdidirek ng "Igorota." "Natuwa ako nang i-offer sa akin itong project," kuwento ni Direk Topel. "Hindi ko pa nababasa ang script pero sinabi nilang love story raw ito, tinanggap ko agad. Ayaw ko nang magdirek ng horror/suspense projects, last ko na ang sequel ng Ouija dahil naipangako ko na ito sa GMA Films. Gusto ko namang mag-try ng iba, kaya tamang-tama itong 'Igorota.' At humanga ako sa mga artista ko, mahuhusay sila kahit first time ko pa lamang silang idinidirek." Sa Sunday, April 12, ang pilot telecast ng "Igorota," kaya lamang hindi ito mapapanood every Sunday dahil mapi-preempt ito ng dalawang boxing bout na ipalalabas sa GMA-7, isa sa April 19 mula sa Araneta Coliseum at ang boxing bout nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton mula sa Las Vegas sa May 3. Kaya bale mapapanood ito sa April 12, April 26, May 10 and May 17. Magiging happy ending kaya ang "Igorota?" Sino ba talaga ang tunay na nagmamahal kay Mabel? Hanggang saan aabot ang pagdamay ni Mando kay Mabel? Panindigan pa rin kaya ni Jason ang pananagutan niya kay Mabel? Written by Dode Cruz, kasama rin sa "Igorota" sina Robert Ortega as the older brother of Mando, Vangie Labalan as Ising and Toby Alejar as the dad of Jason. -- PEP.ph