GMA Logo
What's Hot

Kyline Alcantara balik-music scene via 'Paalam Na'

Published November 11, 2019 11:00 AM PHT
Updated December 23, 2019 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: 8 Bicol cops relieved over late reporting of detainee’s death during transport
Marcos, Leni to meet in Naga on Feb. 21
Henri G to perform new single 'Hindi Ko Masabi' on GMA Playlist's livestream this Friday

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos ang kaniyang self-titled album noong nakaraang taon, muling nag-release si Kyline Alcantara ng revival single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang 'Paalam Na.'

Maagang pamasko ang handog ng Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara para sa kaniyang 'sunflowers' sa pagbabalik niya sa music scene!

Matapos ang kaniyang self-titled album noong nakaraang taon, muling nag-release si Kyline ng revival single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang 'Paalam Na.'

Ayon kay Kyline, “For this song, nagamit ko talaga 'yung background ko sa acting to draw emotion while singing since medyo deep and about hurting siya. I haven't felt that before kaya naman I need to be an actress also while singing.”

Ang 'Paalam Na' ay mula sa komposisyon ni Mikee Misalucha na naka-trabaho rin ni Kyline para sa kaniyang first-ever single noon na 'Fake Love.'

Lubos na ikinatutuwa ni Kyline ang panibagong blessing sa career niya, “I'm so happy and blessed. I always wanted to sing and to perform and now that I was blessed to have an opportunity to showcase it is just wonderful. I'm just so happy dahil may bago na naman aabangan ang mga Kapuso natin.”

Available na sa Apple Music, Spotify, at iba pang digital streaming platforms worldwide ang 'Paalam Na.'