
May bagong kagigiliwan na kanta ang fans ng 'The Clash' alumnus at Kapuso performer na si Jong Madaliday -- ang pangalawa niyang single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang 'Todo.'
Mula sa komposisyon ni Vince Labating, ang 'Todo' ay mula sa kuwento ng isang babaeng nagmahal ng lubos ngunit binalewala.
Ayon sa GMA Artist Center talent, makaka-relate ang mga makikinig sa kantang ito, “Naniniwala ako na mas mararamdaman ng audience ang isang kanta pag based on experiences ang lyrics.”
Inaalay ni Jong ang 'Todo' sa kaniyang fans at ibinahaging lubos niya silang pinahahalagahan at pinasasalamatan sa walang humpay na suporta.
“Todo-todo ang pagmamahal ko sa kanila dahil todo rin po ang suporta nila sa akin, kaya todo ang pasasalamat ko sa kanilang lahat.”
Ang pangalawang single ni Jong ay puwede nang mapakinggan sa lahat ng digital streaming platforms worldwide. Maaari rin itong makita sa Spotify New Releases at New Music Friday PH na charts.