
Tanggap ni Philippine-bet Atty. Patch Magtanong ang kanyang pagkabigo sa pagkuha ng korona ng Miss International ngayong taon.
Sa tanong kung bakit siya dapat koronahang Miss International, english ang wikang ginamit ni Patch na kinailangang isalin sa Japanese dahil Japan-based ang organizer.
Bahagi ni Patch, hindi raw nabigyan ng hustisya ng translator ang kanyang sagot.
“Naririnig ko na nagsa-struggle 'yung interpreter so medyo kinabahan ako.
“Pero I think hindi lang naman speech ang basehan ng Miss International kung 'di ang overall [performance ng beauty queen].
“So siguro, hindi ako 'yung hinahanap nila.”
Gayunpaman, masaya naman si Patch dahil kapwa Asian ang nagwagi sa pageant na si Miss Thailand Bint Sireethorn Leearamwat.
Isa si Patch Magtanong sa Top 8 finalist sa 2019 Miss International competition.
JUST IN: PHL bet Patch Magtanong finishes at Top 8 of Miss International 2019
LOOK: PHL bet Patch Magtanong is jaw-dropping in Miss Int'l swimsuit competition