What's Hot

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, na-inspire sa Christmas Station ID ng GMA Network

By Maine Aquino
Published November 15, 2019 3:20 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate on alleged weaponization of LOAs by BIR personnel (Dec. 11, 2025) | GMA Integrated News
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News



Para kay Janine Gutierrez, modern day heroes ang mga taong nakasama nila sa Christmas Station ID.

Para kay Janine Gutierrez, Love Shines kahit nasaan ka man sa mundo.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Janine Gutierrez, umamin siyang nagsilbing inspirasyon sa kanya ang mga kuwento ng mga Kapuso na kanilang nakasama sa pag-shoot ng GMA Network Christmas Station ID 2019.

GMA Christmas Station ID 2019: #LoveShines

Ang ipinakilala sa Christmas Station ID na Love Shines ay ang mga Kapusong nag-viral sa iba't ibang programa ng GMA Network. Ang nakasama nina Janine ay ang Pampanga Earthquake survivor na si Lourdes Martin at kanyang saviors na sina Dr. Noelito Lacsamana at Bernadette Besonia.

#LoveShines: BTS photos of the 2019 GMA Christmas Station ID shoot


Kuwento ni Janine, na-inspire siya sa mga kuwento na ibinahagi sa Christmas Station ID.

"Masaya shooting the station ID; Nakaka-inspire. It's always inspiring to learn true stories of modern-day heroes and masaya ako na nakasama ko sila sa station ID ng GMA Network. "

Dagdag pa ni Janine, para sa kanya ang tunay na mensahe ng Christmas Station ID ay pagsya-shine ng pagmamahal ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo.

"I think isang katangian na natatangi sa mga Pilipino ay ang resilience. "So sa tingin ko ang mga Pinoy kahit ano ang pinagdadaanan, kahit nasaan man sa mundo ay nagsya-shine. Especially sa paraan kung paano sila magmahal."

GMA Network's 2019 Christmas Station ID reaches 1 Million views on Facebook