GMA Logo
What's Hot

WATCH: K-Drama star Jang Ki Yong, aminadong nag-vacation na sa Pilipinas noon

By Cara Emmeline Garcia
Published November 18, 2019 10:54 AM PHT
Updated December 23, 2019 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News



Nasa bansa ang K-drama actor na si Jang Ki Yong para sa kanyang kauna-unanhang meet and greet sa bansa.

Bumisita kahapon sa bansa ang Korean actor and model na si Jang Ki Yong para sa kanyang kauna-unahang meet and greet na ginanap sa Samsung Hall sa SM Aura.

Pero bago siya naghatid ng kilig sa kanyang Filipino fans, nakausap ni 24 Oras reporter Aubrey Carampel ang K-drama actor.

Kuwento niya kay Aubrey, dati na raw siya nakabisita sa Pilipinas pero mas excited daw siya ngayon dahil makikilala na niya ang kanyang fans ng personal.

@marieclairekorea

A post shared by 장기용 (@juanxkui) on

Aniya in Korean, “Nakapunta na ako sa Pilipinas dati for vacation. Ngayon naman work-related, para sa fan meeting.

“Excited ako na ma-meet ang Filipino fans at maramdaman ang kanilang warmth and hospitality.”

Bumida si 27-year-old actor sa iba't ibang K-drama series tulad ng “Confession Couple,” “My Mister,” “Come and Hug Me,” “Kill It,” at “Search: WWW.”

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

LOOK: Childhood photos of your favorite Kdrama stars

Korean drama remakes in the Philippines