GMA Logo
What's Hot

WATCH: Love story nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ikukuwento through songs sa kanilang 'CoLove' concert

By Cara Emmeline Garcia
Published November 19, 2019 11:17 AM PHT
Updated December 23, 2019 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Naghahanda na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang CoLove concert na gaganapin sa February 2020.

Kung kinilig kayo sa CoLove concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa YouTube, mas lalo niyong paghandaan ang kilig na dadalhin nila sa big stage sa darating na February 15, 2020.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Dahil itataon sa araw ng mga puso, pag-uusapan raw nila through their songs ang different kinds of love. And most of all, ikukuwento raw nila ang kanilang love story sa kanilang performance.

“Para siyang celebration ng love at saka ng music,” saad ni Dennis kay Nelson Canlas.

“Sa pamamagitan ng mga songs namin, ikukuwento namin 'yung journey namin sa love --kung ano yung experiences namin, kung paano kami nagsimula, at kung paano namin narating 'yung stage na ito.”

Dagdag pa ni Jennylyn, maghandang mapa-throwback sa kanilang set list.

“Ang daming magagandang kanta na nakalimutan na natin dahil ang dami nang lumalabas, 'di ba?

“Pero gusto namin siyang ibalik at gusto namin ipaalala sa mga tao kung gaano siya kagaganda 'yung mga kanta noon.”

Mapapanood ang CoLove Live sa February 15 sa New Frontier Theater, sa Araneta City.

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, may pasilip sa kanilang CoLove concert

WATCH: 'CoLove' nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, dadalhin na sa concert stage