
Sa unang yugto ng third episode ng One Hugot Away na Let Go Na, nakikila natin si Karla, isang 23-year-old online seller.
Three days pa lang hiwalay si Karla sa long-time boyfriend niyang si Francis, 19, kaya hindi pa siya nakaka-move on sa kanyang ex.
Isang araw, nakatakdang mag-Facebook Live si Karla para magbenta ng kanyang pre-loved items. Nag-aabang at excited na ang mga online suki niya. At kahit emosyonal pa sa hiwalayan nila ni Francis, ibrinodkas ni Karla na ang dalang paninda niya ay lahat ng mga bigay, regalo, o may kinalaman sa dati niyang boyfriend.
Mula sa coffee maker, sticky notes, grammar book, at aso nilang si Frala, lahat inalok na ni Karla!
Bawat item may hugot, may nanunumbalik na alaala at may mga aral na matutunanan para sa isang masayang relasyon.
Ang unang yugto ng Let Go Na ay maaari ring mapanood sa official Facebook page ng GMA Network: https://www.facebook.com/GMANetwork/videos/508053966458057/.
One Hugot Away: Let go na | Part 2 teaser