GMA Logo
What's Hot

WATCH: Elizabeth Oropesa, nakakakita at nakakausap ang mga kaluluwa

By Maine Aquino
Published November 25, 2019 6:24 PM PHT
Updated December 23, 2019 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Elizabeth Oropesa on her special ability: "Hindi ko naman alam na hindi nakikita ng iba. Akala ko nakikita rin nila." Read more:

Ibinahagi ni Elizabeth Oropesa ang kanyang gift na nagmula pa sa kanyang pagkabata nang siya ay bumisita sa Sarap, 'Di Ba?

Kuwento ng The Gift star, siya ay nakakakita ng mga kaluluwa simula pa sa kanyang pagkabata ngunit hindi ito alam ng nakakarami.

"Kung artista ka, sabihin mong may nakikita ka, hindi ba napapagkamalan kang loka loka? Sasabihin ang arte naman niyan, hindi naman totoo 'yan.

"Kahit may nakikita ako, hindi ako nagsasalita. Hindi na lang ako nagsasalita unless tanungin ako, at nalalaman ng tao na may nakikita ako."

Inamin ni Elizabeth ang kanyang mga nakikita at experience sa araw araw.

"Minsan istorbo rin, if you can see things, that doesn't necessarily mean that you can see the mumu or 'yung mga kaluluwa. You see everything."

Inakala rin umano ni Elizabeth noon na ang mga ito ay nakikita ng lahat ng tao.

"I was born with it, pero hindi ko naman alam na hindi nakikita ng iba. Akala ko nakikita rin nila."

Panoorin ang mga kuwento ni Elizabeth Oropesa sa November 23 episode ng Sarap, 'Di Ba?




Cassy Legaspi, sinabihang may makikilala na magpapasaya sa kanya