What's Hot

Meet Buboy, Zorro's little sidekick

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 23, 2020 7:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Buboy Villar has indeed captured the hearts of Kapuso viewers. Hindi lang kasi siya cute, bibo, at charming, kundi isang talented pa na actor at singer.
Robert ‘Buboy’ Villar has indeed captured the hearts of a lot of Kapuso viewers. Hindi lang siya cute, totoo namang napaka-talented nitong child actor/singer na ito. In his latest prime time show, isa siya sa mga best friends ni Zorro. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network. 'Buboy' ay isang pangalang common sa mga batang lalaki these days. But there is something extraordinary about this 9-year-old Buboy who not only acts but sings as well. No wonder puro malalaki at sikat na artista ang kanyang nakakasama sa mga projects na ginagawa niya. stars
Nakasama na niya and legendary comedic trio na sila Tito, Vic, and Joey sa Metro Manila Film Festival entry Iskul Bukol: 20 Years After. Pinahanga din niya ang mga Kapuso viewers sa kanyang portrayal sa Dyesebel, kung saan nakasama niya sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa kanya namang pinaka-bagong show sa GMA, no less than the Prime Time King himself, Richard Gutierrez, ang kanyang nakaka-eksena. "Ako po si Pepe, ang best friend ko po dito si Kuya Antonio Aquitana, at ako naman po 'yung sidekick ni Kuya Richard," ang bibong kuwento ng child wonder. Idinagdag pa niya na masayang-masya siya dahil sa wakas nakatrabaho na niya si Richard: "First time ko po siyang nakatrabaho, eh. Kaya masayang-masaya po ako." Nagkuwento pa sa iGMA si Buboy about the first time niyang naka-eksena ang Pinoy Zorro. "Parang medyo nahihiya ako sa kanya, eh. Kaya po ako nahihiya kasi ang galing niya, eh! ‘Yung lalo na po yung nagfe-fencing siya, ‘yun po, ang galing," ang hangang-hangang sabi ni Buboy. Idinagdag pa niya, na katulad ni Richard, nag-aral din siyang mangabayo in preparation for his role: "First time ko, pero madali lang naman po matuto. Merong nagturo sa ‘kin mangabayo. Nakailang sakay na ako kaya marunong na rin akong mangabayo." Kaya naman siguro hindi na kinailangang mag-audition ni Buboy to get this role. Ibinigay sa kanya ng network ang role ni Pepe, dahil totoo namang bagay na bagay sa kanya ito. Panoorin ang makulit at nakakatuwang bata na ito sa Zorro, weeknights pagkatapos ng 24 Oras.