GMA Logo Bernadette Reyes live report SEA Games
What's Hot

Bernadette Reyes, bumuwelta sa basher ng kanyang 2019 SEA Games live report

By Dianara Alegre
Published November 26, 2019 7:36 PM PHT
Updated December 23, 2019 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Bernadette Reyes live report SEA Games


“'Wag naman i-wish na masaktan ang kapwa n'yo Pilipino,” buwelta ni Bernadette Reyes sa basher.

Hindi napigilan ni GMA news correspondent Bernadette Reyes na mag-react sa mga maaanghang na salitang ibinato sa kanya ng ilang netizens sa kalagitnaan ng kanyang 2019 SEA Games live report.

“While reporting live, these nasty comments pop on the screen. Kung hindi namin ibabalita, paano n'yo malalaman ang nangyayari sa lipunan?” sabi ni Reyes.

“Paano agad maipararating sa kinauukulan na may mga pagkukulang na kailangan punan?

“I could make more money elsewhere pero pinili ko magsilbi sa bayan sa pamamagitan ng pagbabalita ng patas at walang kinikilingan,” dagdag pa niya.

JUST IN: Mariz Umali addresses press ID fiasco of 2019 SEA Games

Sinagot din ng female news reporter ang hiling ng basher na sana ay mabagsakan siya ng scaffolding.

“Bash n'yo ako sa ibang bagay, pero 'wag naman i-wish na masaktan at murahin n'yo ang kapwa n'yo Pilipino,” aniya.

Isa si Reyes sa ipinadalang news correspondents ng GMA Network para sumubaybay at magbalita ng mga nangyayari sa 30th Southeast Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa bansa.

Marian Rivera encourages netizens to become SEA Games volunteers

Celebrities, reporters express frustration about 2019 SEA Games woes