
"Super happy and for me, sobrang swerte and blessing to be a part doon sa song."
Ito ang saad ni Rayver Cruz sa kanyang unang beses na pagsali sa Kapuso Station ID. Isa si Rayver sa mga Kapuso singers na nagbigay tinig sa kantang Love Shines.
Matatandaang nagbalik Kapuso si Rayver noong September 2018.
Kuwento ni Rayver, nagandahan siya sa mensahe ng kanta ng Christmas Station ID na Love Shines.
Makikanta sa "Love Shines" lyric video ng GMA Christmas Station ID 2019
"Ang ganda ng message ng song. Ang ganda ng song. First-ever Christmas Station ID ko 'to sa Kapuso Network. Hindi ko tini-take for granted na kasama ako sa "Love Shines" na kanta."
Dagdag pa ni Rayver, ang kantang "Love Shines" ang mas nagpapa-excite sa kanya sa Pasko.
"Dahil doon sa kanta, excited na akong mag-Pasko."