GMA Logo
What's Hot

Walang warning ang pag-ibig sa South Korean rom-com na "Love Alert"

By Marah Ruiz
Published December 2, 2019 5:47 PM PHT
Updated December 23, 2019 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang TV comeback ni "Coffee Prince" lead actress Yoon Eun Hye sa "Love Alert."

Manatiling alisto sa pag-ibig sa South Korean romantic comedy na Love Alert.

Ito ang television comeback ng top actress na si Yoon Eun Hye na minsan nang minahal ng mga Pinoy bilang si Andy sa hit series na Coffee Prince.

Gaganap siya bilang Kelsey, isang top actress na pinalad sa career pero minalas sa pag-ibig.

Sa isang 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Dwayne (Chun Jung Myung), isang dermatologist na walang kaalam-alam sa pag-ibig.

Kailangan ni Kelsey ng fake boyfriend para mabaon ang chismis na naghahabol siya sa kanyang co-star.

Kailangan naman ni Dwayne ng fake girlfriend para matigil na ang pagse-set up sa kanya sa blind dates ng kanyang mga magulang.

Sila na nga ang perfect match para magkunwaring lovers!

Mag-set na ng alarm para sa Love Alert, soon on GMA Heart of Asia.