
Pasok sa semifinals ng carom tournament ang tinaguriang “The Magician” na si Efren “Bata” Reyes matapos magpakitang-gilas sa billiards competiton ng Southeast Asian Games 2019, sa Manila Hotel Tent, Martes, Disyembre 3.
Tinalo ng 65 taong gulang si Punyawee Thongchai ng Thailand, sa score na 100-37.
Dahil sa pagkapanalo, diretso si Reyes sa semifinals ng kumpetisyon.
Sa larong carom walang butas ang pool table, kailangan munang tamaan ang target ball, tumama sa banda, at saka tamaan ang bola ng kalaban bago maka-score. Raise to 100 para manalo.
Target ng dating world champion ang kanyang unang SEA Games gold medal.
Gladys Guevarra fangirls over Pinoy sports legends