GMA Logo Vic Sotto at Mission Unstapabol The Don Identity media conference
What's Hot

Vic Sotto, hinahangad pa kayang maging number one sa MMFF 2019?

By Aedrianne Acar
Published December 14, 2019 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto at Mission Unstapabol The Don Identity media conference


Wish ni Vic Sotto para sa MMFF 2019 movie na 'Mission Unstapabol: The Don Identity,' "Sana mabreak namin 'yung record last year."

Malaking tanong palagi kay Bossing Vic Sotto sa tuwing may isasali siyang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang isyu ng box office
results.

Ngayong 2019, isang star-studded cast ang binuo ng Eat Bulaga pioneer para sa action-adventure family movie na Mission Unstapabol: The Don
Identity.

Kasama sa naturang pelikula ang malalaking pangalan sa dalawang bigating TV network tulad nila Phenomenal star Maine Mendoza,
Jose Manalo, Wally Bayola at Kapamilya talents na sina Pokwang at Jake Cuenca.

Sa grand media conference ng Mission Unstapabol sa kagabi, December 13, direstahan sinabi ni Vic Sotto na least priority niya ang mag number one ang pelikula nila sa MMFF.

“Ay, hindi ko na iniisip ngayon 'yun, ang tagal-tagal ko na sa festival, that doesn't really matter.

“What matters sa akin personal, e, mas maging matagumpay 'yung festival in general.

"Sana mabreak namin 'yung record last year. Medyo mabigat pero tingin ko kakayanin.”

WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, excited sa kanilang entry para sa MMFF 2019

Tinawag din ni Vic na “panata” ang paggawa niya ng entry sa Metro Manila Film Festival taon-taon at talagang hinahanap-hanap daw ng kanyang katawan.

“'Yung Metro Manila Film Festival parang kulang 'yung Pasko pagkawala akong pelikula. Siguro nasa kultura ko na, nasa dugo ko na 'yun, e.

“Sabi nga ni Jose [Manalo] panata na raw. Ang importante lang we see to it na 'yung theme na we come-up with is something different always, something new."

Ipagdiwang ang Pasko kasama ang buong pamilya at manood ng the Mission Unstapabol: The Don Identity, simula December 25 in cinemas nationwide.