GMA Logo Vic Sotto and Maine Mendoza
What's Hot

Vic Sotto, siguradong ninong sa future wedding ni Maine Mendoza

By Nherz Almo
Published December 15, 2019 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto and Maine Mendoza


Ayon kay Maine Mendoza, priority si Bossing Vic Sotto pagdating sa MMFF, "Siyempre, solid Bossing tayo, solid Dabarkads."

Habang napag-uusapan ang relasyon ni Maine sa kapwa aktor na si Arjo Atayde, hindi naiwasang matanong ang Daddy's Gurl actress kung posibleng maging ninong sa kasal niya si Vic Sotto.

"Kahit naman po sino ang makatuluyan ko, hindi pwedeng hindi makasama si Bossing sa mga ninong," mabilis na sagot ni Maine sa entertainment media na dumalo sa press conference ng MIssion Unstapabol: The Don Identity noong Biyernes, December 13.

Maine Mendoza openly talks about relationship with Arjo Atayde

Bukod sa halos araw-araw niyang nakakasama si Bossing Vic sa Eat Bulaga, nakasama na rin niya ito sa dalawa pang MMFF movies--ang My Bebe Love: #KiligPaMore (2015) at Jack Em Popoy: The Puliscredibles (2018).

Kung ito ang pagbabasehan, masasabing malapit na malapit na si Maine sa isa sa mga batikang komedyante ng bansa.

Gayunman, sabi ni Maine, "Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagka-starstruck ko sa kanya."

"At saka hanggang ngayon, nai-intimidate pa rin ako.

"Kahit sa Daddy's Gurl na pumapasok ako o kahit sa Eat Bulaga, hindi ko pa rin po siya mabati nang kaswal kasi feeling ko, Vic Sotto, e.

"Pero sobrang bait naman po niya sa akin.

"Pero ang nakakatuwa lang po kasi, kapag nagro-roll na yung camera, kahit sa Daddy's Gurl, parang bigla na lang kaming father-daughter, parang nawawala yung pagkakailangan."

Isang patunay ng pagiging mabait ni Vic kay Maine ang madalas niyang pagkuha sa dalagang aktres para maging bahagi ng kanyang pelikula.

Sa panel interview, biro ni Maine, "May kontrata po talaga kami, 10-year-contract."

Para sa kanya, isang magandang oportunidad daw ang MMFF para makatrabaho si Vic sa labas ng telebisyon.

Ani Maine, "Masaya kasi lagi pa rin ako yung pinipili, lagi ko pa rin siyang nakakasama.

"Ako naman, thankful naman ako sa lahat ng projects na binibigay sa akin dahil may opportunity to work with him outside sa Bulaga at outside sa Daddy's Gurl."

At kung sakaling magkaroon daw ng ibang offer sa mga susunod na MMFF, hindi magdadalawang-isip si Maine na piliin si Vic, "Siyempre, solid Bossing tayo, solid Dabarkads."

Samantala, katulad ni Maine, sinabi rin ni Vic tungkol sa kanilang madalas na pagsasama sa MMFF, "Nakakontrata na kaming dalawa, for life na kami, forever."

Dagdag niya, "Marami siyang offer na sa tingin ko yung manager niya ang makasagot niyan.

"Ako naman, kung mayroon akong konsepto na bagay sa kanya, na naiiba sa mga dati niyang ginawa, e, talagang ipaglalaban kong makasama si Maine."

At pagdating naman sa Mission Unstapabol, sinigurado ni Vic na magugustuhan ng fans ang role ni Maine.

"Ang maganda naman sa pelikulang ito, sa Mission Unstapabol, ibang Maine Mendoza ang kanilang mapapanood."