
Kasunod ng finale ng Studio 7, handa na muli mag-all out and Beautiful Justice star na si Gabbi Garcia.
Kuwento niya, “Excited na ako kasi passion ko talaga 'yung singing and dancing. Na-miss kong mag-perform, it's really part of me.
"It's nice that we have an avenue for Kapuso artists. Magkakaroon na ulit ng variety show every Sunday at mas pinadami ang cast members.
"Meron ding games at mas bonded 'yung cast every week"
Magiging maganda rin ang pasok ng taon para kay Gabbi, na may dalawang upcoming international projects para sa 2020.
“Meron akong upcoming international digital series, pero hindi ko pa masyado i-announce,” ibinahagi ni Gabbi.
Dagdag niya, “Meron din akong out-of-the-country TVC this January 2020. Magiging representative ako for tourism.”
Pinagtutuunan daw ng pansin ni Gabbi ngayon ang showbiz, kaya kahit maraming naghihintay ang pagpasok niya sa beauty pageantry, hindi muna niya ito ipu-pursue.
Aniya, “'Andoon pa rin siya, pero as of now, focused muna ako sa career kasi sayang, e.
"Darating 'yung right timing pero as of now hindi pa siya 'yung right timing.
"I have a lot of commitments, but the fire is still there of me wanting to join pageantry. Maaga pa naman, 21 pa lang ako.”
LOOK: Christmas party of 'Beautiful Justice' stars