
Ramdam ang galit sa Twitter post ng comedienne na si Pokwang, matapos mabasa ang komento ng isang netizen kaugnay ng pahayag niya tungkol sa mababang trato sa mga komedyante.
Sa isang panayam, sinabi ni Pokwang na na ramdam niya ang mababang trato sa kanilang mga komedyante.
Sumagot naman ang Twitter user na si @JuanDel42542223 tweet tungkol sa pahayag ni Pokwang.
Aniya, “Cheap version of comedy deserves cheap treatment.”
Agad namang tumugon si Pokwang, na tila nagpupuyos sa galit sa nabasa niyang komento.
Sabi ng comedy actress, “Maka cheap na version of comedy ka naman... HUY!!!! kaya mo ba ginagawa namin potah ka??? basahin mo mabuti sinabi kobwag kang tanga! Merry christmas ulol!!!”
Vic Sotto, hinahangad pa kayang maging number one sa MMFF 2019?
Nakipagpalitan din siya ng mensahe sa ilan pang netizens na 'tila hindi nagustuhan ang naging reaksyon niya.
sige nga educate me, enlighten me kung ano para sa inyo ngayon ang basehan ng mataas na uri ng comedy? baka mairekomenda ko kayo sa network bilang writer at creative director, kailangan nila ngayon yan. https://t.co/6PbbaDNxh9
-- marietta subong (@pokwang27) December 18, 2019
Hindi po ako ganyan mag joke sorry... mukhang di monpa ako napapanood kaloka ka! https://t.co/Q8FnUUH5vV
-- marietta subong (@pokwang27) December 18, 2019
O edi sana sabihin nyo yan sa mga nag uumpisa ng mga di magandang comment??? isa ka pa e walang maiimbierna kung walang nang imbierna! Tapos pa play victim? ano ito??? hindi kmi manhid tao din kami Huy!!! https://t.co/Y0VXUj3pl1
-- marietta subong (@pokwang27) December 19, 2019
Bahagi si Pokwang sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, kung saan makakasama niya sina Vic Sotto, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Jake Cuenca.
LOOK: At the grand media conference of 'Mission Unstapabol: The Don Identity'