What's Hot

Dingdong Dantes muddles the issue of his tattoo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 5, 2020 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Sa victory party ni Manny Pacquiao noong Biyernes, isa sa mga dumalo ay si Dingdong Dantes. Nagpaunlak si Dingdong ng maikling panayam sa PEP
Sa victory party ni Manny Pacquiao noong Biyernes, May 22, sa Renaissance Hotel, isa sa mga dumalo ay si Dingdong Dantes. Sa kabila ng malakas na pagtugtog ng banda, nagpaunlak si Dingdong ng maikling panayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Isa sa maraming humahanga sa Pambansang Kamao si Dingdong. In fact, nagba-boxing nga rin daw siya noon for physical fitness.stars Aniya, "Noon yun. Before the injury. Then after the injury, I have to rest my hand for a while. So..." Matatandaang nagkaroon ng injury sa kamay si Dingdong last year nung aksidente nitong nalakasan ang pagsuntok sa isang puno habang nagte-taping siya noon ng isang eksena para sa teleseryeng Dyesebel. Bukod sa sugat sa kamao ay kinailangang i-cast ang kanang kamay ni Dong dahil sa mga nabaling buto. Hanggang ngayon ay inaalalayan pa rin ni Dingdong ang kamay niyang ito kahit wala na itong cast. Para tuluy-tuloy na nga naman ang paggaling nito. Isinunod na ng PEP ang pagkumusta sa kung ano ang latest sa kanya ngayon. "Wala, pahinga lang. Saka itong Kimmy Dora with Eugene Domingo," balita ng Kapuso hunk. Hindi pa raw sila nagsisimula ng shooting, pero ang pagkakaalam niya ay kasama rin sa movie si Piolo Pascual. Tanong naman ng PEP sa kanya, pag-aagawan ba nila sa pelikulang ito si Eugene? "Parang gano'n. Oo. Comedy siya." As in straight comedy at walang drama? "Siyempre, lahat naman ng comedy, may konting drama 'yan. Basta mas marami ang nakakatawang pangyayari't kaganapan," nakangiting sabi ng aktor. Nakalinya nang gagawin ni Dingdong ang Filipino remake ng Korean hit drama na Stairway To Heaven. Gagampanan niya ang papel na Cholo (originally played by Korean actor Kwon Song Woo), habang hindi pa alam kung sino ang kanyang magiging leading lady. Pero sigurado na raw na hindi na muna sila ipagpapareha ng ka-love team niyang si Marian Rivera. Sa tingin niya, makakaramdam ba siya ng paninibago sa hindi niya pagkaka-pair kay Marian para sa isang teleserye? "Siyempre, malaking paninibago para sa akin yun. But we have to accept na, at this point, we have to take different paths. Pero naniniwala naman ako na magkakaroon pa kami ng projects in the future. Basta sa ngayon, pagbutihin na lang natin ang mga nangyayari ngayon," katwiran ni Dingdong. The Tattoo Kamakailan ay nabalitang nagpa-tattoo raw siya. Alibata (alpabeto ng sinaunang Pilipino) raw ang sabi ni Dingdong sa mga nakakita ng tattoo niya. "Hindi, wala akong sinasabing Alibata siya. Wala akong sinasabing gano'n," tanggi niya. Kung hindi niya sinabi 'yon, kanino nanggaling ang deskripsyon na Alibata nga ang tattoo niya? "Hindi ko alam. Basta wala akong sinasabing gano'n," paglilinaw pa ni Dong. Pero ayon sa mga nakakita, "MGD" raw ang tila basa sa tattoo niya. Ano nga ba ang ibig sabihin ng MGD na 'yon? Yun na nga ba talaga ang ibig sabihin niyon? "Depende. Paiba-iba. Tuwing linggo-linggo, nag-iiba ang meaning. Minsan hindi ko makita, minsan nakikita ko. Ganun-gano'n," pagdadahilan pa ni Dingdong. Pero nang tanungin ng PEP kung para kanino ba ang pagpapa-tattoo niyang 'yon, nag-iba ng statement ang Kapuso hunk. "Wala naman akong sinabing nagpa-tattoo ako, e," ani Dingdong. Paalala sa kanya ng PEP, may lumabas kasing balita na nagpa-tattoo nga siya at may nakakita pa. "E, yun nga, minsan may nakikita ako, minsan wala. Maybe it's all just my imagination. Ha-ha-ha! Okey na yun. 'Wag na nating pag-usapan yun," pagtatapos na lang ni Dingdong na ikinalito ng PEP. - PEP.ph Kamustahin si Dingdong! Text DINGDONG [Your Message] Send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Pag-usapan ang tatoo ni Dindong Dantes by logging on to the iGMA Forum! Not yet a member? Register here!