Article Inside Page
Showbiz News
Nag-shoot na si Marian Rivera ng cinema plug ng
Darna O Narda sa isang studio ng GMA Network.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-shoot na si Marian Rivera ng cinema plug ng Darna O Narda ngayong hapon, May 27. Sa isang studio ng GMA Network kinunan ang cinema plug ng upcoming primetime series ni Marian sa Kapuso network, na marami na ang naghihintay.

Kuwento sa PEP ng isang source na malapit kay Marian: "First time siyang nagsuot ng costume for Darna, at tuwang-tuwa si Marian dahil akala niya mahihiya siya at hindi magiging kumportable. Pero nang isuot ang costume, hindi siya nakaramdam ng pagka-asiwa, lalo na nang marinig ang positive feedback ng mga taong present sa shoot ng cinema plug."
Dagdag pa ng source, gawa ni Pepsi Herrera ang Darna costume na ginamit ni Marian sa shoot ng cinema plug. Hindi lang siya sigurado kung si Pepsi rin ang gagawa ng mga costume na gagamitin ni Marian sa taping, o kung may ibang designer na kinuha ang network para gumawa ng costume ng bagong Darna.
Ipina-describe ng PEP sa aming source ang costume ni Marian. Sabi nito, may pagka-pareho ang costume ni Marian sa two-piece costume ni Angel Locsin nang gawin nito ang
Darna. "Traditional" Darna, pero may konting pagbabago raw ang ginawa ni Pepsi sa costume ni Marian.
Sa July pa raw magsisimulang umere ang
Darna O Narda, pero ilang linggo nang sumasabak sa training si Marian. Na-impress nga raw si Direk Dominic Zapata, ang trainor ng aktres, at ang staff na hahawak sa serye dahil madali itong matuto, at walang takot sa harness.
Kuwento pa ng source, "May training siya ng wushu, pero ang mas pinagtutuunan niya nang husto ay training sa harness dahil kailangang ma-perfect niya kung paano lumipad at paano makipag-away sa ere. Marami siyang fight stunts sa ere, at dapat makuha niya ang tamang kilos bago siya magsimulang mag-taping.
"Sagad-sagaran ang training niya. Napapagod si Marian, pero nag-e-enjoy siya, at ang maganda sa kanya, madali siyang matuto. Hindi nahihirapan sa kanya ang kanyang trainer. Tinitiyak ko, ibang Marian ang mapapanood ng kanyang fans saDarna o Narda."
Sinubukan ng PEP na tanungin ang source kung sino ang leading man ni Marian sa
Darna O Narda, pero very careful ito sa kanyang sagot.
"Ay, wala pang sinabi ang Channel 7 kung sino ang makakapareha ni Marian. Ang sabi lang ay si Mark. E, ang daming Mark sa Siete, mamili na lang kayo!" sabi ng aming source.
Si Marian lang ang nag-shoot ng cinema plug ng
Darna O Narda, kaya hindi talaga malalaman kung sinong Mark ang leading man niya. Pero malakas ang bulung-bulungan na ang Mark na makakapareha ni Marian ay walang iba kundi si Mark Anthony Fernandez.
Sabagay, solo lang din si Richard Gutierrez nang mag-shoot siya ng cinema plug ng
Full House. Siguradong solo ring magsu-shoot si Dingdong Dantes ng cinema plug para sa
Stairway To Heaven dahil wala pang napipiling leading lady para sa kanya.
Ibinalita rin ng source ng PEP na more than half na ang nakunan ni Direk Jun Lana sa mga eksena nina Marian at Dennis Trillo sa pelikulang
Tarot ng Regal at matatapos ito on schedule. Wala pang balita kung kailan sisimulan ni Marian ang pelikula naman nila ng komedyanteng si Vhong Navarro.
Sa Friday, May 29, rarampa naman si Marian sa main atrium ng SM Mall of Asia para sa Black Magic Denim The Jag Denim Show, na bahagi ng Fashion Week. Makakasama ng aktres sa pagrampa ang co-Jag endorser niyang si Will Devaughn. --
PEP.ph
Kamustahin ang ating panibagong Darna - si Marian Rivera!Text MARIAN [Your Message] Send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Pag-usapan ang pagganap ni Marian Rivera sa Darna O Narda by logging on to the iGMAForums! Not yet a member? Register
here!