
Hindi mapigilang mag-reminisce ni Rita Daniela ng makita ang dating wedding ring nila ni Ken Chan para sa My Special Tatay.
Naitago pala ni Rita ang ginamit na singsing para sa wedding scene ng My Special Tatay, at nakita niya na lamang muli ito habang naglilinis ng bahay.
Kuwento ni Rita sa kaniyang Instagram story, “So I was cleaning my house, look what I found @akosikenchan, Boyet and Aubrey's wedding ring. Ako tirador ng props.”
Kasalukuyan namang nasa top-rating show na One of the Baes sina Rita Daniela at Ken Chan.
Ken Chan at Rita Daniela, paano isi-celebrate ang Pasko?