What's Hot

Bing Loyzaga, inamin na stressed out siya

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 8:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ang premyadong aktres na si Bing Loyzaga ay ever grateful sa opportunity niya sa pagganap kay Doña Francia Valderama sa 'PBAM.'
Huling linggo na ng Dramarama sa Hapon classic, ang 'Paano Ba Ang Mangarap?' at ang premyadong aktres na si Bing Loyzaga ay ever grateful sa opportunity niya sa pagganap kay Doña Francia Valderama. Text by Erick Mataverde. Photo courtesy of GMA Network. Nang kausapin ng iGMA.tv si Ms. Bing Loyzaga, ang kanyang ever-charming na off-screen persona ang tumambad sa amin at kinuwento niya ang kanyang mga feelings niya sa pag-portray ng role niya sa Paano Ba Ang Mangarap?stars All praises siya sa mga batang cast members na kasama niya tulad nila Jennylyn Mercado, Mark Herras at Chynna Ortaleza. "Yeah! 'Di ba? Kumbaga ano, 'yung tuwang-tuwa ako sa kanila kasi walang arte sa katawan, they deliver really well. And the nice thing about them is that they're very open to suggestion or insights and they are not scared to ask, which I appreciate," banggit ni Bing sa mga young co-stars niya. Dagdag pa niya, very surprised siya sa pagiging welcome nila sa kanyang mga advice: "Kasi ako, aminin ko, when I was younger—younger (laughs)?! I would think twice [to ask, and] if this person will help me or what. At least, sila wala. Walang takot. Which nakikita ko tuloy how much they love their job and that goes for everybody. I was telling some people that if—especially si Mark and Jennylyn—if they experience some type of fame with their love team before, that's nothing to what they'll be getting after this show. I mean like, they're doing really wonderful. Parang ang tanda ko. Napapaisip tuloy ako!" At very honest siya sa kanyang sarili without any reason to deny that she has reached a point in life na kailangan na niyang mag-reflect sa kanyang buhay at experiences. "Hindi, nandun na talaga ako. Kailangan ko na aminin 'yan! Wag na tayo magkaila, 'di ba? Parang sasabunutan ko na sarili ko kung mag-arte pa 'kong hindi totoo kasi matanda—hindi matanda—matagal na rin naman ako!" tapat na sinabi niya. Matatandaan natin that a few months ago, before starting taping for this show, kinailangan ni Bing ng medical attention dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure. Ito ay ikina-worry niya dahil sa mga required na pag-project niya ng mga extreme emotions bilang Doña Francia. Pero, sa pagtatapos ng Sine Novelang ito, na-prove niya na ang kanyang talent pa rin ang nangingibabaw. Hindi ibig sabihin na wala pa rin siyang worries. Sinisigurado lang niya na careful na siya. "Well, it happens. So I like to tell other people, you know, 'Cut yourself some slack, give yourself a little room to breathe, and trust more on God, things will work out. Don't stress yourself. Don't be like me.' Kasi, 'di ba? Parang masyado ko stri-ness out 'yung sarili ko. Hello! Kaya meron ako nito. I mean all this stuff, I mean if there [are others] that I can help out, I would. I'd be glad to tell my story anytime," ang kanyang pahayag. Panoorin ang mga madraramang eksena na ito sa Paano Ba Ang Mangarap?: Paano ba ang Mangarap?: Pirma lang ang kailangan Paano ba ang Mangarap?: Nagkatotoo ang masamang panaginip Paano ba ang Mangarap?: Ang sitwasyon ni Maya Pag-usapan ang mga huling eksena sa Paano Ba Ang Mangarap? by logging on to the iGMA Forum! Not yet a member? Register here!