Article Inside Page
Showbiz News
Hindi na talaga mapigilan ang pagsikat ng comedic duo na ito. Pero tila walang balak magpahinga ang dalawa at may bagong gimik pa sila sa "Hole in the Wall!"
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Yaya at sa spoiled brat na si Angelina? Ever since they started hosting "Hole in the Wall," hindi na mapigilan ang kasikatan ng comedic duo na ito. Pero tila walang balak magpahinga sa pagpapatawa ang dalawa at mayroon na naman silang bagong gimik sa show. Ano nga ba ang dapat abangan kay Yaya at Angelina, at pati na rin sa "Hole in the Wall?" Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Painit nang painit ang bawa't episode ng
Hole in the Wall dahil sa hindi na lang ang gabi-gabing laglagan ang dapat abangan, kung hindi pati ang palaki nang palaki na jackpot prize ng show. Sa ngayon mahigit P700,000 ang maaring mapanalunan ng sino mang makakalusot sa mga holes in the wall.
“Posibleng umabot hanggang Php10 million 'yung prize kung talagang walang makakalusot at makakakuha ng jackpot,” ang seryosong pahayag ni Yaya.
Pero agad naman itong sinusugan ng spoiled na si Angelina,“Kung loser sila tulad ni Yaya, hindi nila makuha 'yung prize.”
Hindi nga malayo na umabot sa milyun-milyon ang papremyo ng
Hole in the Wall dahil totoo namang challenging ang mga dapat lusutan na mga contestants. Lalo pa itong nagiging interesting at exciting dahil maraming mga celebrities ang naglalaro kasama ng mga contestants. May pahayag din si Yaya at Angelina na maari ninyong ikagulat.
“Inimbitahan namin sila Brad Pitt, Angelina Jolie, si Edward Norton. Si Clint Eastwood nga okay pa sana kaya lang hindi magkasya sa kanya 'yung costume,” ang straight-faced na kuwento ni Yaya.
“Dadating sila lahat mula sa HOLEywood,” ang dugtong pa ni Angelina.
“Malay mo, 'di ba? Nag-invite lang naman kami,” tuloy pa ni Yaya.
Aside from this, hindi lang daw ang papalaking jackot prize at mga artistang nababasa ang dapat panoorin sa show, kailangan din abangan ang laging pagpa-pacute ni Yaya sa lifeguard na si Edward.
Yaya: “Excuse me! Dalagang Filipina ako, noh! Obvious na kapag tumitingin sa akin si Edward, nag-sparkle ang mga mata niya!”
Angelina: “Nag-iilusyon lang si Yaya, hindi naman siya pinapansin ni Edward!"
Yaya: “Ano ka ba?!? Kasi hindi ko rin siya pinapansin.”
Angelina: “Whatever!”
Totoong very entertaining panoorin ang dalawang ito kaya naman huwag palampasin ang pagkakataon makita ang tawanan, laglagan, at basaan sa
Hole in the Wall!
Pero, wait! May good news ang iGMA sa mga avid fans at viewers ni Yaya at Angelina. On Monday,
June 22, 2009, from 2 p.m. to 3 p.m. (Philippine time), bibisita ang dalawa sa iGMA Live Chat! Ito na ang pagkakataon ninyong maka-bonding ang wacky duo na ito! Log on to www.igma.tv/livechat for details.
Pag-usapan ang mag-yaya sa
iGMA Forum!