GMA Logo Kisses Delavin nagpasalamat sa suporta ni Aiai Delas Alas
What's Hot

Kisses Delavin, nagpasalamat sa suporta ni Aiai Delas Alas

By Jansen Ramos
Published January 9, 2020 7:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kisses Delavin nagpasalamat sa suporta ni Aiai Delas Alas


Kisses Delavin, nagpasalamat sa pagtu-tour sa kanya ni Aiai Delas Alas sa GMA Network.

Abot-abot ang pasasalamat ni Kisses Delavin kay Comedy Queen Aiai Delas Alas dahil sa suporta na ibinibigay nito sa kanya.

Isa ang 55-year-old comedienne sa mga nag-welcome sa young actress sa GMA Network matapos nitong lumipat ng management.

Guesting yesterday TBATS ... welcome sa kapuso network bebi girl @kissesdelavin

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon si Kisses na makapag-promote ng kanilang pelikula ni Aiai na D'Ninang sa Kapuso comedy show na The Boobay and Tekla Show. Ang episode ng kanilang guesting ay mapapanood soon.

LOOK: Kisses Delavin excited about movie with Aiai delas Alas

"'Yung nilipatan ko po muna ay management, hindi po muna ko lumipat ng network so ngayon po ay freelance po ako," paglilinaw ni Kisses tungkol sa kanyang career move.

"At saka sa suporta po ni Ms. Aiai, sobrang grateful po ako sa lahat ng suporta n'ya especially po sa ginawa n'ya po last year [kung saan] meron pong mga issue.

"Salamat po sa mga ginawa n'yo, sobra ko pong na-a-appreciate 'yun at saka tinour n'ya po ako sa GMA 7, sa studio. Masaya po 'yung tour."

Ang tinutukoy ni Kisses ay ang issue tungkol sa nirentahan niyang condo unit na pagmamay-ari ng aktor na si Rap Fernandez, na anak ng batikang aktres na si Lorna Tolentino.

Sa pahayag ni Aiai, sinabi niyang dapat lang na ipinagtanggol niya si Kisses mula sa kinasangkutan nitong issue dahil tila anak na rin ang kanyang turing dito.

Wika ng D'Ninang star, "No'ng may issue s'ya last year, siyempre, pinagtanggol ko s'ya kasi kilala ko naman s'yang bata, kilala ko 'yung pamilya n'ya, 'yung mommy at daddy n'ya so 'yon.

"Siyempre love ko 'to, kasama ko s'ya sa pelikula.

"Halos lahat naman ng nakakasama ko sa pelikula talagang nagiging ka-close ko.

"Parang mga anak ko na sila sa totoong buhay and 'yung suporta ko sa kanya, bukod sa personal n'yang buhay, tinour ko s'ya sa GMA."

Nakapanayam ng GMANetwork.com sina Kisses at Aiai sa grand media launch ng D'Ninang noong Miyerkules, January 8, sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.

WATCH: Kisses Delavin, kinilig nang makita si Marian Rivera sa isang awards night

"Bawal Judgmental," trending dahil sa young actress na si Kisses Delavin

LOOK: #KissesDelavinOnUH trends on Twitter as she graces 'Unang Hirit'