What's Hot

WATCH: Bagong single ng SB19 na "Alab," umabot na sa mahigit 800k views!

By Bianca Geli
Published January 11, 2020 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Trending ang SB19 dahil umabot na sa mahigit 800k views ang music video ng kanilang single na “Alab."

Hindi pa rin makapaniwala ang Pinoy boy group na SB19 na nakapasok sila sa Billboard's Social 50 List.

SB19
SB19

Ang Korean-inspired na grupong kinabibilangan nina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin ang kaunaunahang nakapasok sa popularity chart ng mga aktibong musical artists sa social media.

Nitong unang linggo ng Enero, umusad na ang SB19 mula sa 28th spot hanggang sa 19th spot.

"Hindi rin po namin in-expect na ganun ka-grabe 'yung mangyayari sa 'min na kami ang first Filipino na nakapasok sa list. We're thankful kasi hindi po ito mangyayari kung 'di dahil sa fans namin, sa A'TIN, kasi they're very active sa social media.

Ang bagong launch na danceable hugot song ng SB19 na “Alab,” umabot na rin ng mahigit 800,000 views sa YouTube.

Balak na rin daw sundan ng SB19 ang kanilang first solo concert noong 2019 na nag-sold-out within 3 minutes.

Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras: