
Sa ginanap ng binyagang bayan sa Quiapo Church nitong Linggo, January 12, tumayong ninang sa ilang babies ang Kapuso star na si Aiai Delas Alas.
Sa press interview, ibinahagi ng D' Ninang actress kung anong klaseng ninang siya sa kanyang mga inaanak.
Pagsisimula ni Aiai, "'Pag marami akong pera, generous ako."
Natatawang tuloy ni Aiai, "Pero minsan kuripot din ako. Depende. Balanse."
Nilinaw rin ni Aiai na hindi niya kinakalimutan ang kanyang mga inaanak.
"Ayoko silang kalimutan. 'Di ba, minsan nakakalimutan mo ang mga inaanak mo? Ako, gusto ko talagang maalala. Sino nga ba 'yung mga inaanak ko? Kasi 'di ba parang, 'Kinalimutan na ako ng ninang ko?' 'Di ba may mga ganon?"