What's Hot

Ramon Christopher learns about fatherhood from his kids

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 7:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



The real-life actor who portrays mostly shady characters is a loving father who cherishes the times he spends with his kids
Isa sa mga umpisa nating kinakamuhian na tauhan sa Ngayon At Kailanman ay si Leo. Ngunit, far from his role, the real-life actor who portrays this shady character is a loving father who cherishes the times he spends with his kids. Text by Erick Mataverde. Interview by Rose Galvez. Photo by Mitch S. Mauricio. Nang makapanayam ng iGMA si Monching Gutierrez, more popularly known as Ramon Cristopher, aming kinamusta ang kanyang mga kids. stars"They're 19, 18, 12 and 8. Okay naman. They’re doing good," ang sagot ni Monching. Siyempre, we had to ask about his being a single dad to his daughters and son: "Minsan madali, minsan mahirap. There are things na I can decide on myself, but siyempre 'yung mga important na things kailangan kahit separated kami we have to talk about it and decide on it. "Kasi mahirap kung ako lang 'yung magdedecide kasi mamaya something you know, something doesn’t come out right or whatever." Ano ba kay Monching ang challenge ng pagiging single father? "Challenge, 'yung mga tanong na usually 'yung mama ang nakakasagot. Maraming ganun eh or, 'Pa, my ganito hurts.' You don’t know kung ano 'yung sagot, 'yung ganun kasi usually 'yung mothers ang may alam nun," sagot niya. Kuwento pa ni Monching, "Dati I used to call my sister, ganyan, pero ngayon alam ko na, 'di ba? Challenge din 'yung taking them to the doctor para sa tatay. Sa nanay, simpleng-simple lang bringing the kids to the doctor. Ako, natatakot ako na kung puwede huwag na mag-doctor, huwag na lang." Pero, like any proud father may mga magagandang aspeto naman ito. Paliwanag niya, "Meron naman, siyempre 'yung time siguro na lagi kayong magkakasama because they live with me, so talagang kapag wala akong work, I go straight home to spend my time with them. Kaya lang 'yung mga older children ko pagdating ko nang maaga, 'Pa, can I go to a party tonight?'. "Dati sinasabi ko 12 [midnight ang curfew nila], pero ngayon hindi na 12 kasi, 'Ano daw? Party?' Pero hindi pa masyadong gabi, 'di ba? Pero 'yung mga friends niya lagi niya pinapapunta sa bahay, basketball sila, ganun. 'Yung dalawang girls talagang naiiba rin, 'yung isa may party doon, [at] 'yung isa may party dito." Though nararanasan na niya ang adolesence ng kanyang mga anak, Monching is quick to clarify na hindi siya istrikto: "Hindi, wala. Kinakausap ko lang sila. Minsan parang sila pa 'yung magdidisiplina sa akin eh. 'Pa, walang grocery sa cabinet.' 'Ahh, wala ba? Tara let’s go to the grocery.' Mas may responsibilidad pa sila minsan kaysa sa akin. Sila pa 'yung minsan nagpapaalala ng mga responsibilities ko na, 'Pa, you have to do this. You have to do that.' And do the children have time with their mom, Lotlot de Leon, as well? "Oo naman, on all occasions 'tsaka kapag Sunday we’ll have dinner, ganyan." Banggit din ni Monching na wala naman talaga siyang pinagsisisihan, except for the obvious. Sagot niya, "Wala. Regrets lang siguro na nagkahiwalay, ganun. Minsan you think na mas maganda sana kung hindi pero wala, ganun talaga." "[Every] Father’s Day, we go out for dinner. Nung Mother’s Day, nag-dinner sila with Lot. So siguro ganun lang," ang kanyang sabi naman when asked how they spend their time sa mga espesyal na okasyon na ito. Ngayon at nakita ninyo ang good side ni Monching sa totoong buhay, abangan 'nyo naman ang kanyang bad side sa ma-dramang Ngyayon At Kailanman dito only on Dramarama sa Hapon! Pag-usapan ang mga nakakatuwang experiences ni Daddy! Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!