
Hindi nagpatumpik-tumpik ang award-winning environmental and wildlife program na Born To Be Wild na magsagawa ng rescue operation para sa mga hayop na naiwan sa mga lugar na nasalanta ng Bulkang Taal nitong Linggo, January 12.
Sa Instagram page ng show, isa sa mga binisita ng team ang Talisay, Batangas kung saan kasama nila si Doc Nielsen Donato. Katuwang din nila ang volunteers ng Guardians of the Fur.
“Binalikan ng #BornToBeWild team ang mga hayop na naiwan sa Talisay, Batangas matapos lumikas ang mga residente dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
“Makikita sa mga larawang ito ang ilang mga aso at pusa na nasagip at nasa maayos na ngayong kalagayan sa tulong na rin ng volunteer members ng Guardians of the Fur.”
Isinama din ni Doc Nielsen sa kanilang rescue operation ang anak niyang si Cedrick na isang veterinary medicine student.
Heto pa ang ilang kuha ni Cedrick sa naging pagsagip nila sa mga hayop na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.