Article Inside Page
Showbiz News
Totoo ba? Hindi lang daw TV at pelikula ang ininvade ni Yaya ang Angelina kundi pa na rin ang Internet? Totoo nga! Kaya maki-chat na sa kanila today!
Maraming nag-aabang sa pagsasapelikula ng story ni Yaya and Angelina at talagang hindi na mapigilan ang pagsikat ng dalawa. Kahit na araw-araw na silang napapanood ng tao sa telebisyon, marami pa rin ang naghihintay sa kanilang movie. Pero, wait! Nasa Internet na rin pala sina Yaya at Angelina? Alamin kung bakit at kung ano ang gagawin
nila sa World Wide Web. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Additional interviews by Erick Mataverde
Inamin ni Ogie Alcasid at Michael V. na kakaiba ang mapapanood nating story sa movie nila Yaya and Angelina. Ibang-iba daw ito sa mga sketches nila sa
Bubble Gang at
Hole in the Wall, ang dalawang shows kung saan natin sila mapapanood sa GMA Network.

“Kasi ano ito eh, parang back story, kung saan nagsimula 'yung relasyon nila at kapag sinabi kong relasyon, hindi 'yung para sa video-video ha, kung hindi 'yung relasyon ni Yaya at Angelina bilang mag-yaya at alaga. So parang malalaman ng mga tao kung saan nagsimula 'yun at kung saan nagsimula ‘yung “You’re such a loser” at lahat ng mga bagay-bagay,” ang kwento ni Michael V., a.k.a Yaya.
Ipinagmalaki din ng dalawa na they are expecting a lot from this film.
“Kasi kapag binabasa naming 'yung script tapos feeling naming pwedeng gawin sa TV, parang ini-scrap na namin. 'Yun na lang mga pang-pelikula. Kasi heightened visual at saka napakalaki noong medium kaya dapat akma 'yung gagawin namin,” dagdag pa ni Bitoy.
Dagdag pa ni Ogie, “It is exciting! Mas malaki ang pelikula. Story na ito at hindi lang sketches.”
Totoo ngang kaabang-abang ang nasabing pelikula dahil first day pa lang ng shoot nila, makikitang enjoy na enjoy ang dalawa sa pagpapatawa. No doubt na tatangkilikin ito ng mga fans ni Yaya Rosalinda at ng spoiled brat na si Angelina. Ngayon pa lang, nakaabang na sila kung kailan ito ipapalabas sa sinehan.
But wait! Bago natin makita sa sa big screen ang dalawa, Yaya and Angelina will invade the World Wide Web via iGMA Live Chat! Ngayong
June 22, 2009, from 2 pm to
3pm (Philippine time) ang seven year-old brat na si Angelina at ang kanyang loser na yaya ay makaka-chat ninyo na! Log on to www.igma.tv/livechat for details kung paano ninyo sila makakakwentuhan sa chat.
Pag-usapan ang movie nila Yaya and Angelina sa iGMA Forum!