What's Hot

WATCH: Sanya Lopez, diretsahang sinagot ang ilang tsismis

By Cherry Sun
Published January 17, 2020 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez ArtisTakeover


Diretsong sinagot at binigyang-linaw ni Sanya Lopez ang ilang mga pangyayari sa kanyang buhay sa 'Check o Chismis' segment ng 'Kapuso ArtisTambayan' nitong January 16.

Si Sanya Lopez ang featured Kapuso Artist of the Month ngayong January, at kabilang sa kanyang #SanyaArtisTakeover ay ang pagbisita sa 'Kapuso ArtisTambayan.'

Sanya Lopez
Sanya Lopez

Sa pagsalang sa 'Kapuso ArtisTambayan,' hindi nakaligtas ang aktres sa ilang mga katanungang kinailangan niyang bigyang-linaw kung totoo o tsimis lamang.

EXCLUSIVE: Sanya Lopez does naughty, funny dares in a game of basketball

1. Totoo bang pinaglihi si Sanya sa kuhol?

CHECK. Hindi man pangkaraniwan, inamin ni Sanya na sa kuhol siya ipinaglihi ng kanyang ina.

Bahagi niya, “Kaya ako noong pinanganak ako, ang itim-itim ko tapos kulot kasi maitim na kulot siya 'di ba.”

2. Totoo bang nag-away sila ni Jak Roberto dahil sa pancit canton?

CHECK. Inamin din ni Sanya na totoong nag-away sila ng kanyang kuya na si Jak dahil sa pagkain na pancit canton.

Kuwento niya, “Kasi noong bata kami isa lang pack 'yung kaya namin bilhin, wala kami pambili that time.

'Tapos noont time na 'yun, siya 'yung magluluto. Siyempre, 'yung kawali, 'yung kawali, 'di ba, meron doon 'yung sauce na niya, so sayang 'yun.

“E, may kanin, masarap kasi pag pinartner mo 'yun sa kanin tapos ipapahid mo doon.

“Nagtatalo kami doon talaga, konti nalang magbabatukan talaga kami (laughs).

3. Totoo bang sumakay si Sanya ng jeep na walang dalang pera?

CHECK. Sobrang nahiya raw si Sanya nang maalala niyang wala pala siyang dalang pera pagsakay sa jeep kaya hinding-hindi raw niya makakalimutan ang pangyayaring ito.

Pag-alala niya, “Sumakay talaga akong walang pera. Kasi hindi ko alam… Heto, medyo bida-bida ako nang kaunti. Siyempre, first time ko makahawak ng isang libo(ng piso) noong time na 'yun.

“Sabi ko, 'Shucks, isang libo 'yung hawak kong pera.' E, bumili ako sa canteen, 15 pesos lang 'yung ulam 'tsaka kanin, tig-15 mga ganun. Walang pansukli sa akin. Sabi niya, balikan ko nalang daw. 'Ah, sige po.'

“Uwian na, sumakay ako ng jeep. 'Ay shucks, wala akong pera.'

“Bumaba ako, meron akong schoolmate, hindi ko kilala kung sino 'yun, inutangan ko talaga.

“First time ko umutang [sa] hindi ko kakilala. Nakakahiya pero napakabait nung [schoolmate] na 'yun.

“Kung sino ka man, napakabait mo. 'Tapos ayaw na niya pabayaran. Sabi ko, 'Sige, lagyan ko na ng dagdag.'”

4. Totoo bang bully si Jak noong bata sila?

CHECK. Ani Sanya, para sa kanilang magkapatid ay normal lang na nag-aaway sila noon.

Natatawa niyang pagkuwento, “Nire-wrestling ako, ibabato, tinatali pa ako. Sabi niya, 'Ano, holdap 'to.' Ganyan. Siyempre ako, sisigaw ako, 'Mommy!' Ganyan.

“Siya, ano wala, palo ulit ng tambo. Kaya siguro nabatak 'yung abs niya.”

5. Totoo bang 'No boyfriend since birth' si Sanya?

CHECK. Wala pa raw naging nobyo si Sanya ngunit masasabi niyan handa na siyang pumasok sa isang relasyon kung dumating ang tamang tao para sa kanya.

Wika niya, “Tingnan natin kung papalarin. Sabi ko nga, it's a blessing kung dumating man siya.

“At sana siya na po talaga 'yun… Pinagpe-pray ko at sana si God 'yung maging center namin. Mas maganda 'yun.

EXCLUSIVE: Sanya Lopez reveals who she's dating, answers other controversial questions