
Sanay na raw si Ruru Madrid maghintay kaya't willing din daw siya na hintayin ang tamang oras para sa pagdating ng kanyang “the one.”
Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Ruru habang nagpo-promote ng kanyang bagong single na “Maghihintay.”
EXCLUSIVE: Ruru Madrid's "Maghihintay" is unlike his first single
Bahagi niya, hindi na bago para sa kanya ang maghintay dahil mula noong kanyang pagkabata ay lagi siyang naghihintay para sa kanyang career.
Aniya, madalas siyang mag-audition ngunit walang nagbubunga sa kanyang mga ginagawa.
“Naghintay lang ako ng tamang pagkakataon and then, eventually, naging artista ako, nakapasok ako sa industriyang ito.
“And then akala ko tapos na 'yung paghihintay, hindi pa dahil of course sa mga project naman, maghihintay ka 'di ba.
“Ganun din when it comes to career and when it comes to kumbaga personal, nangyayari din.
“I mean, tayo siyempre nai-in love tayo and then sometimes… Kumbaga, pagbabawalan tayo na maging, alam mo 'yun, manligaw or what.
“Pero kailangan maghintay sa tamang pagkakataon para gawin mo 'yun 'di ba.”
Kahit marami na siyang naranasang paghihintay, nasabi pa rin ni Ruru na may ilang bagay at tao na “worth the wait.”
Patuloy niya, “Right projects. Right projects and at the same time, of course, love life.
“Di ba, I mean, kailangan mo hintayin 'yan, e. Dati agresibo ako, e.
“Kapag may gusto ako, talagang ibubuhos ko lahat. 'Pag may maisip akong gawin, gagawin ko nalang agad.
“Pero I think bawat bagay kailangan mo maghintay sa tamang pagkakataon dahil lahat ng mga bagay may right timing.”
Panoorin: