What's Hot

WATCH: JD Domagoso donates talent fee to victims of Taal Volcano's eruption

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 25, 2020 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



JD Domagoso, nag-donate ng 50,000 pesos mula sa kanyang talent fee para sa probinsya ng Batangas.

Nag-donate ang Kapuso actor na si JD Domagoso ng 50,000 pesos para sa evacuees sa Batangas dahil sa pagputok ng bulkang Taal.

Sa FB live ng ama ni JD na si Manila Mayor Isko Moreno, kinuwento ni JD kung ano ang nagtulak sa kanya na i-donate ang 50,000 pesos na nagmula sa kanyang talent fee.

"May nakita akong story sa Facebook, isang bata, parang gusto lang tumulong, umalis siya sa bahay nila ng gabi para lang makatulong sa mga Taal relief operations," kuwento ni JD.

"'Tas pabalik siya, tapos natamaan siya ng truck. Alam mo 'yung tutulong ka na lang tapos ikaw pa 'yung nadamay sa huli?

"So napaiyak lang ako. Parang the least that I can do is to give money for the Taal operations."

Proud na proud naman si Mayor Isko sa ginawa ng kanyang anak at ipinakita ang cheke na nakapangalan sa probinsya ng Batangas.

Panoorin ang kuwento ni JD:



Paminsan-minsan ay napapanood si JD sa variety show ng GMA na All Out Sundays kasama ang ilan pang Kapuso stars.