
Isang mini-reunion ang sumalubong sa mga batang '90s nang makitang magsama muli ang Ober Da Bakod co-stars na sina Angelu de Leon at Janno Gibbs.
Maalalang gumanap bilang Mokong at Kuting sina Janno at Angelu sa hit '90s sitcom ng GMA Network noong 1992 hanggang 1997.
Sulat ni Angelu sa kanyang Instagram, “Mokong & Kuting in Ober Da Bakod, Baby and Daisy in Kadenang Bulaklak, Orot/ Andong and Demetria/ Claudia in Where 'D' Girls Are & D' Uragons.
“Buhay na buhay ang mga batang '90s.”
Bali-balita na may isang movie project na kinabibilangan ng dalawa kasama ang iba pang aktres noong dekada '90s na sina Maui Taylor, Ana Roces, Marissa Sanchez, at ang rapper na si Andrew E.
Tuwang-tuwa naman ang mga tagahanga ni Angelu at Janno dahil nagawa nilang magbalik tanaw sa kanilang nakaraang proyekto na isa sa naging tatak ng Pinoy comedy.
Angelu de Leon reveals having Bell's Palsy twice
LOOK: Angelu de Leon posts throwback photos to celebrate T.G.I.S.'s 24th anniversary