GMA Logo Cast of Voltes V legacy
What's Hot

LOOK: Fans share their would-be cast for the upcoming 'Voltes V: Legacy' live adaptation

By Cara Emmeline Garcia
Published January 28, 2020 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Cast of Voltes V legacy


Sino-sino ang gusto ninyong maging cast ng 'Voltes V: Legacy?'

The hype is real para sa fans ng original anime series ng Voltes V!

Maliban sa pag-share ng iba't ibang articles, artworks, at music covers, nagbahagi rin sila ng listahan ng mga artistang gusto nilang gumanap sa beloved characters ng series.

Ayon sa isang netizen na may user handle na @TianaJane4, gusto niyang makita si Kisses Delavin na gumanap bilang Jamie Robinson, ang natatanging female member ng team.

Nakita naman ang pagkakamukha nina Steve Armstrong at Ruru Madrid ni netizen @GPship23.

Isang buong listahan naman ang ibinahagi ni netizen @EngEngAlain para sa kanyang Voltes V: Legacy cast.

Aniya, gusto niyang gumanap ang Kapuso hunks na sina Dennis Trillo at Mark Herras bilang sina Steve Armstrong at Mark Gordon. Ang multi-awarded comedian na si Michael V naman ang nais niyang gaganap bilang Big Bert Armstrong.

LetsVoltIn: The iconic characters of Voltes V

Ramdam na ramdam naman ang pagka-excited ni @Ph1bbz sa darating na live action adaptation ng GMA Network sa artworks na hinanda niya.

Sa tingin ninyo, handa na ba si Kate Valdez gumanap bilang Jamie at Andrea Torres bilang ang antagonist na si Katharine Rii?

'Di naman daw nalalayo ang charm ni Asia's Multimedia Star Alden Richards para gumanap bilang Steve Armstrong sa upcoming series.

Kayo mga Kapuso? Sino-sino ang gusto ninyong gumanap bilang miyembro ng Voltes V team?

LOOK: Michael V. channels his inner Steve Armstrong of 'Voltes V' in throwback photo

LOOK: Original singer ng 'Voltes V' theme song, nakatanggap ng vintage figurine ng popular robot