GMA Logo
What's Hot

Full episodes ng mga paborito n'yong Kapuso teleserye, mapapanood na sa GMANetwork.com at GMA Network app simula February 1!

By Dianara Alegre
Published January 30, 2020 11:00 AM PHT
Updated February 4, 2020 12:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Updated ka na all the time dahil maaari n'yo nang mapanood ang full episodes ng inyong mga paboritong GMA teleseryes online!

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA at Kapuso Month ngayong February, handog ng Kapuso network ang mas pinadali at pinahusay na pagsubaybay sa kapana-panabik na mga eksena sa inyong mga paboritong Kapuso teleserye ano mang oras.

Prima Donnas at Madrasta
Prima Donnas at Madrasta

Simula February 1, maaari nang mapanood ang GMA drama shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Puwede nang mapanood online ang full episodes ng Kapuso shows tulad ng Prima Donnas, Magkaagaw, Madrasta at Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday kinabukasan matapos itong ipalabas sa telebisyon (Philippines only). Updated ka na all the time!

Bisitahin lamang ang www.GMANetwork.com at i-download ang GMA Network app para sa mas pinadali at pinahusay na panonood ng GMA full episodes.

Enjoy watching online, mga Kapuso!