GMA Logo Rita Daniela meets idol Vilma Santos
What's Hot

Rita Daniela, di makapaniwala sa natanggap na papuri mula kay Vilma Santos

By Cherry Sun
Published January 30, 2020 4:09 PM PHT
Updated January 30, 2020 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hidilyn Diaz, Gilas Pilipinas fly to Thailand for 2025 SEA Games
MRT-3, LRT-2, and LRT-1 roll out free rides to different sectors
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela meets idol Vilma Santos


Starstruck daw si Rita Daniela nang makasama at makausap niya si Batangas Representative Vilma Santos-Recto sa 'Wowowin.'

Flattered at hindi makapaniwala si Rita Daniela nang siya ang bigyang papuri ng kanyang iniidolong si Vilma Santos.

Nagtagpo sina Rita at Vilma live broadcast ng Wowowin nitong Lunes, January 27.

Aminadong starstruck daw ang Kapuso actress sa tinaguriang Star for All Seasons.

IN PHOTOS: Wowowin, nagbigay-tulong sa Taal victims

Sulat niya sa kanyang Instagram post, “Iyong pakiramdam na huminto panandalian iyong mundo mo noong unang beses mo siyang nakilala.. 'tapos kilala ka pala niya. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa pagkakataong binigkas niya ang mga salitang 'i'm a fan', 'you're so good!', 'ang galing mong kumanta', 'ang galing ninyo! pinapanood ko kayo!' at 'bagay kayong dalawa!' pinapanood lang kita dati.. bilib na bilib po ako sa inyo, hindi ko akalain na ako naman ang mapapanood mo.”

Winner daw ang pakiramdam ni Rita dahil sa mga natanggap na papuri mula kay Vilma.

“Wala na.. may nanalo na. God is great,” dugtong niya.

starstrucked✨ ------------ iyong pakiramdam na huminto panandalian iyong mundo mo noong unang beses mo siyang nakilala.. tapos kilala ka pala niya. hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa pagkakataong binigkas niya ang mga salitang “i'm a fan”, “you're so good!”, “ang galing mong kumanta”, “ang galing ninyo! pinapanood ko kayo!” at “bagay kayong dalawa!” pinapanood lang kita dati.. bilib na bilib po ako sa inyo, hindi ko akalain na ako naman ang mapapanood mo😭🥰❤️ ---------- wala na.. may nanalo na. GOD IS GREAT.💯

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela) on